Saturday, May 28, 2016

Bomber hawak na ng pulisya

From the Mindanao Examiner (May 27): Bomber hawak na ng pulisya

Hawak na ngayon ng pulisya ang isa sa umano’y nasa likod ng pambobomba ng mga bus sa Mindanao matapos itong madakip sa lalawigan ng Maguindanao sa magulong Muslim autonomous region sa Mindanao.

Nadakip si Kamad Makauyag kamakalawa sa bahay umano ni Barangay Penfarm chairman Mahal Matalam sa bayan ng Datu Paglas. Maging si Matalam ay hinuli ng pulisya matapos na mabisto ang ibat-ibang armas sa bahay nito.

Hindi naman mabatid kung bakit nasa pangangalaga ni Matalam si Makauyag na umano’y pangunahing suspek sa pambobomba ng Metro Shuttle Bus sa Digos City noon Abril 2008 na kung saan ay 6 katao ang nasawi at marami ang nasugatan.

Ayon sa ulat ng pulisya, miyembro umano ng Al-Khobar Gang si Makauyag. Ang grupo nito ang siyang nasa likod ng maraming extortion at kidnappings for ransom sa central Mindanao at karamihan sa mga miyembro nito ay dating mga rebelde ng Moro Islamic Liberation Front.

Walang pahayag si Governor Esmael Mangudadatu ukol sa pagkakadakip ng dalawa at kung bakit hindi nito natunugan na nasa kanyang lalawigan si Makauyag na matagal ng wanted ng batas. Itinanggi umano ni Makauyag ang lahat ng bintang sa kanya.

http://mindanaoexaminer.com/bomber-hawak-na-ng-pulisya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.