Makikita sa litrato ng 6th Infantry Division ang IED na itinanim umano ng BIFF sa isang tulay sa bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao province.
Todo-bantay pa rin ang militar sa seguridad sa Maguindanao province na kung saan ay pinaghahanap ng mga sundalo ang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na patuloy ang atake sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kamakalawa lamang ay napigilan ng militar ang pambobomba ng BIFF sa bayan ng Datu Unsay matapos na madiskubre sa may tulay sa Barangay Meta ang isang improvised explosive device.
Target sana ng BIFF na bombahin ang mga convoy ng militar na dumaraan sa Meta Bridge na halos 50 metro lamang ang layon sa kampo ng 34th Infantry Battalion.
Ngunit sa kabila ng napakalapit sa tulay ng nasabing kampo ay hindi naman natunugan ng mga sundalo ang pagtatanim ng bomba doon. Nalaman lamang ito ng militar ng magsumbong angh isang residente na may bomba sa lugar. Pinasabugan na rin noon ng BIFF ang nasabing tulay na ikinasawi ng mga sundalo.
Kinumpirma naman kahapon ng 6th Infantry Division ang pagkakatuklas sa bomba at sinabi ng tagapagsalita nitong si Capt. Jo-ann Petinglay na ang IED ay gawa mula sa isang anti-tank rocket o rocket propelled grenade at nakakabit ito sa isang blasting cap na konektado naman sa dalawang 9 volt batteries at isang relay switch.
“The IED was successfully disrupted by the (army) EOD team and recovered an RPG warhead, improvised electric blasting cap, two 9-volt batteries, relay switch, and two battery holders with wire.”
“The successful recovery of the IED was due to the growing concern and awareness among the civilian populace. If it was not reported earlier, the IED could have caused harm to the civilian commuters and damage to the structure and further causing disruption of the flow of traffic in the area,” ani Petinglay sa pahayagang Mindanao Examiner.
Nakikibaka ang BIFF para sa kalayaan ng mga Muslim sa Mindanao.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.