Communist Party of the Philippines
Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang AFP at ang 66th Infantry Battalion nito sa pagpatay sa mag-amang Lumad na ginamitan ng labis-labis na brutalidad noong Oktubre 12, sa Tubog, Manurigao, New Bataan, Compostela Valley.
Naglalakad ang mag-amang sina Rolando Dagansan, 43, at anak na si Juda, 15, pauwi sa kanilang bahay sa Sityo Taytayan dala ang kaaani pa lamang na mais mula sa kanilang bukid sa Sitio Kabitayan nang atakehin sila ng mga pasistang tropa ng Alpha Company ng 66th IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Maichael Logico. Mula sa lumad na grupong Mandaya ang mga Dangasan.
Lasog-lasog ang kanilang mga katawan sa dami ng tama ng balang pinakawalan ng mga hibang na sundalo. Ang braso ni Rolando ay natanggal mula sa kanyang katawan at ang mga mukha nila ay kapwa tungkab dahil sa paggamit ng labis-labis na dahas.
Ang walang-awang pagpaslang sa mga Dagansan ay nagpapabula sa sinsasabi ng AFP na “nasorpresa” lamang ang mga sundalo nito at “nagpakamalang” mga mandirgma ng BHB ang mag-ama.
Para pagtakpan ang brutalidad, nagpalabas ng huwad na paghingi ng paumanhin ang mga upisyal ng AFP sa pagpatay nila sa mga magsasakang Mandaya. Ang totoo, nagsasagawa ang mga yunit ng AFP ng pinakamababangis na pang-aatake sa mga di armadong sibilyan sa kondukta ng kanilang kontra-mamamayang gera na Oplan Bayanihan.
Taliwas sa ipinamamarali nitong pagrespeto diumano sa mga karapatang-tao, ang oryentasyon ng mga sundalo ng AFP ay itrato ang populasyong sibilyan sa mga sonang gerilya bilang mga kaaway na kailangang supilin, sindakin at paamuin. Ang mga tinaguriang misyong medikal at dental na pinasisimunuan at isinasagawa ng mga armadong yunit ng AFP, sa halip ng mga ahensyang sibilyan, ay walang iba kundi tusong pagtatangkang tabingan ang brutalidad ng Oplan Bayanihan nito.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141018_kundenahin-ang-labis-labis-na-brutalidad-at-pagpatay-ng-afp-sa-mga-magsasakang-lumad

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.