Saturday, August 2, 2014

Sundalo sugatan sa labanan sa NPA

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Aug 2): Sundalo sugatan sa labanan sa NPA (Soldier wounded in battle with NPA)

Isang sundalo ang sugatan matapos na makipagsagupaan ang grupo nito sa mga rebeldeng New People's Army sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na naganap ang labanan nitong Biyernes sa Barangay Tuburan na kung saan ay 20 mga rebelde sa pangunguna ni Ka Natan ang naka-engkuwentro ng mga sundalo sa ilalim ni Lt. Gelapia.

Hindi naman agad mabatid ang unang pangalan ng opisyal, ngunit kinumpirma naman ni Samuddin na sugatan ang isang tropa ni Gelapia na nakilalang si Corporal Sakilan.

Umabot ang labanan ng halos 10 minuto, ayon kay Samuddin. "Exchange of gun fire lasted for about ten minutes that resulted in one Wounded-in-Action on the government side identified as Corporal Sakilan. Wounded AFP personnel were immediately brought to nearest hospital for medical treatment," ani Samuddin.

Tuloy pa rin umano kahapon ang pagtugis sa mga rebelde ng 2nd at 3rd Maneuvering Companies ng Regional Public Safety Company 9 ng pulisya.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/08/sundalo-sugatan-sa-labanan-sa-npa.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.