Sunday, August 24, 2014

Opensiba ng NPA ibinandera

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Aug 24): Opensiba ng NPA ibinandera (NPA offensive launched?)

Ibinandera kahapon ng New People’s Army ang opensiba nito sa nakaraang mga araw kontra militar at pulisya sa lalawigan ng South Cotabato sa Mindanao.

Sinabi ni Ka Efren Aksasato, ang tagapagsalita ng NPA, na isang sundalo umano ang nasawi at 6 iba pa ang sugatan sa mga serye ng atake ng rebeldeng grupo sa bayan ng Tampakan, T’boli at Lake Sebu. Inakusahan rin nito ang South Cotabato Police – Public Safety Company at ang 27th Infantry Battalion sa ilalim ni Col. Shalimar Imperial ng human rights violations at nagsisilbi umano ito bilang mga private security guards ng Sagittarius Mines Incorporated sa Tampakan.

“The PNP performs as dismantler of mass actions against the large-scale mining while the 27th Infantry Battalion is notorious for butchering anti-mining activists.  Both forces also secure the environmentally destructive quarry operations of the construction companies backed by local bureaucrats and are enjoying contracts for huge government projects.”

“Residents and farmers in Tampakan and Koronadal City have insistently been opposed to the quarry operations because of its damaging effects to their properties and means of living,” pahayag pa ni Aksasato.

Maging si South Cotabato Gov. Daisy Fuentes ay inakusahan rin ni Aksasato na siyang nasa likod ng pagpapalaganap sa diumano’y peace and development operations ng militar na isang cover sa malawakan opensiba sa lalawigan.

“Conforming to the US-Noynoy Aquino regime’s Oplan Bayanihan, the provincial government of South Cotabato headed by Gov. Daisy Fuentes facilitates the implementation of the 27th Infantry Battalion’s peace and development operations to impose the realization of the bogus developments she adamantly vaunted about in her recent state of the province address, notwithstanding the enduring agrarian problems, displacement and dispossession of the masses,” wika pa ni Aksasato.

Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/08/opensiba-ng-npa-ibinandera.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.