From the Mindanao Examiner blog site (Mar 3): Shariff Aguak mayor binigyan ng parangal sa kanyang suporta sa peace process (Shariff Aguak given major awards for her support of the peace process
Umani ng parangal mula sa Moro Islamic Liberation si Shariff Aguak Mayor Zahara Upam Ampatuan dahil sa mahigpit na suporta nito sa peace process sa Mindanao.
Ginawaran si Mayor Upam Ampatuan ng dalawang pagkilala sa kanyang walang-humpay na pagsisikap upang maisulong ang kapayapaan sa kanyang lugar. Ibinigay ang naturang pagkilala sa ika-18 anibersaryo ng Shariff Aguak, isa sa mga bayan ng Maguindanao na kabilang naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Saksi sa pagbibigay ng naturang pagkilala si MILF leader Ustadz Wahid Tundok na malaki naman ang respeto kay Mayor Upam Ampatuan, at mga opisyal ng militar sa pangunguna nina 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Romeo Gapuz at 1st Mechanized Brigade commander Col. Edgar Gonzales, at kanilang battalion commanders, gayun rin si Maguindanao police chief Senior Supt. Rodelio Jocson and mga kinatawan ng ibat-ibang grupo at sektor sa lalawigan.
Nagbigay rin ng kanyang talumpati si Ustadz Abdulwahid Tundok upang puriin ang pagsisikap ni Mayor Upam Ampatuan.
Naroon rin ang mga kinatawan at kawani ng pamahalaang lokal at mga ordinaryong mamamayan na nagpasalamat rin kay Mayor Upam Ampatuan dahil sa kanyang magandang pamamalakad sa nasabing bayan.
“In honoring the extraordinary efforts and assistance as a local government chief executive and public servant rendered for the greater success of the Government of the Philippines and the Moro Islamic Liberation Front Peace Process, further bolstered with the signing of the GPH-MILF Framework Agreement on the Bangsamoro at Malacanang Palace on October 15, 2012 and hearing the commitment and resolve that prove beneficial in sustaining the support and ownership to the peace process and the facilitation of understanding and cooperation amongst peoples regardless of race and religion geared at winning the peace for the country and the Bangsamoro aspirations justice, peace, prosperity, self-governance and right to self-determination for a better future of our children and generations to come,” ani pa Mohagher Iqbal, ang MILF vice chairman at chief peace negotiator, sa ibinigay nitong Tribute of Commendation.
Maging ang MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities ay nagbigay rin ng pagkilala kay Mayor Upam Ampatuan dahil sa suporta nito sa peace process sa Mindanao.
“For her invaluable and unwavering cooperation and support to the duties and functions of the Government of the Philippines and the Moro Islamic Liberation Front Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities in partnership with the Malaysian-led International Monitoring Team composed of the governments of Malaysia, Brunei, Japan, Norway, Indonesia, and European Union in the implementation and monitoring of the GPH-MILF agreements on general cessation of hostilities, socio-economic reconstruction, civilian protection and humanitarian rehabilitation and development, thus sustaining the goodwill, confidence-building measures and momentum for the success of the GPH-MILF Peace Process,” wika pa ni Abbas Salung, ang chairman ng MILF CCCH, sa ibinigay nitong Plaque of Recognition, kay Mayor Upam Ampatuan.
Nagpasalamat naman si Mayor Upam Ampatuan sa parangal na iginawad sa kanya ng MILF at sinabi nito malaki ang partisipasyon ng komunidad at ng mga mamamayan sa Shariff Aguak upang mabigyan ng malaking suporta ang peace process.
“Ang mga awards na ibinigay sa akin ay awards na rin ng bawat isang mamamayan dito sa Shariff Aguak dahil ako ay instrumento lamang ng lahat na mga nagnanais ng kapayapaan hindi lamang dito sa aming bayan at lalawigan ng Maguindanao, kundi ng buong bansa,” sabi pa ni Mayor Upam Ampatuan sa panayam ng Mindanao Examiner.
Pinasalamatan rin ni Mayor Upam Ampatuan ang mga mamamayan at ang ibat-ibang sektor sa Shariff Aguak at Maguindanao, at sa ARMM sa kabuuan dahil sa suportang tinatanggap nito. Nangako pa rin Mayor Upam Ampatuan na lalong itataguyod at palalakasin ang suporta nito sa peace process at sa Bangsamoro political entity na isinusulong ng Pangulong Benigno Aquino.
Si Shariff Aguak Mayor Zahara Upam Ampatuan sa pagtanggap ng mga parangal mula sa Moro Islamic Liberation Front sa pangunguna ni MILF leader Ustadz Abdulwahid Tundok sa Maguindanao province. (Mindanao Examiner Photo - Mark Navales)
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/03/shariff-aguak-mayor-binigyan-ng.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.