Friday, February 28, 2014

CPP/NPA: Philippine Army, hinaras 4 sugatan

Posted to the CPP Website (Feb 25): Philippine Army, hinaras 4 sugatan (Philippine Army, harassed 4 injured)


Logo.bhb
Diego Magtanggol
Spokesperson
NPA Camarines Sur Front Operations Command (Norben Gruta Command)
 
Matagumpay na naisakatuparan ang taktikal na opensiba laban sa isang platun na kabilang sa 49th Infantry Battalion ng Philippine Army noong ika-13 ng Pebrero 2014 sa Brgy. Patalunan, Ragay, Camarines Sur.

Alas 12:15, isang tim ng Bagong Hukbong Bayan ng Norben Gruta Command ang maingat na nakalapit sa namamahingang isang platun ng 49th IBPA. Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na nag-iwan ng 4 na sugatan kabilang si PFC MARIANO OBARIO at may 3 pang iba pa. Ligtas naman na nakamaniobra ang mga magigiting na Pulang mandirigma.

Ang taktikal na opensibang ito ay pagtugon sa malawak na panawagan ng mamamayan na parusahan ang tropa ng 49th IBPA sa direktang paglabag nito sa karapatang pantao. Ilan dito ang pananakot at pambubugbog kay ROMIE MEDALLADA, 51 taong gulang at isang magsasaka. Nitong ika-13 ng Pebrero naman ay may nadagdag naman sa mahabang listahan ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Sila ay sina ERIC POSTRE, 38 taong gulang at ARMANDO SAPURO, 21 taong gulang, pawang mga magsasaka at nakatira sa Brgy. Patalunan, Ragay, Camarines Sur. Sila ay walang awang binugbog at kinulata ng baril. Meron ding kaso ang mga hambog na kasapi ng 49th IBPA ng panununog ng koprahan na pagmamay-ari ng masang magsasaka sa kaparehong barangay.

Patunay lamang ito sa kawalan ng disiplina at walang paggalang sa karapatang-pantao sa tuwing sila ay may combat operation. Ito ay kabaliktaran sa pinapangalandakan nila sa kanilang mga civic military operation na pawang bahagi ng kanilang Triad Operation kasama ang operasyong paniktik. Sa tulong ng malawak na suporta ng mamamayan, patuloy na bibiguin ng Bagong Hukbong Bayan ang anumang pagtatangka na supilin at durugin ang patuloy na paglakas ng demokratikong rebolusyong bayan.

Oplan Bayanihan, Biguin!

 Digmang Bayan, Paigtingin!


http://www.philippinerevolution.net/statements/20140225_philippine-army-hinaras-4-sugatan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.