Friday, February 21, 2014

CPP/NPA: Kasinungalingan nina Col. Kakilala at police chief Oliquiano, lantad na

Posted to the CPP Website (Feb 20): Kasinungalingan nina Col. Kakilala at police chief Oliquiano, lantad na (Lies by Col Kaikala and police chief Oliquiano)

 Logo.bhb
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
 
MALAKING kahihiyan ang sinapit kahapon nina 903rd Infantry Brigade commander Col. Joselito Kakilala at Sorsogon City PNP chief P/Supt. Aarne Oliquiano sa desisyon ng piskalya na ibasura ang kasong isinampa nila kay Bryan Gallega.

Isinaad sa resolusyon ni Sorsogon City Prosecutor Alma Zacarias nitong Pebrero 19 na walang sapat na ebidensya para sampahan ng anumang kaso si Gallega. Si Gallega ang sibilyang dinakip ng mga pulis matapos nilang makasagupa ang isang grupo ng NPA sa Barangay Cabid-an, Sorsogon City noong Enero 30. Matatandaang nag-imbento ng istorya sina Col. Kakilala at P/Supt. Oliquiano upang palabasing mandirigma ng NPA si Gallega at ang pinsan niyang si Henry Orbena na pinatay ng mga pulis.

Binatikos ng piskal ang iligal na pag-aresto kay Gallega at ipinag-utos ang pagpapalaya sa kanya.

Nauna rito, pinatunayan ng mga upisyal at residente ng Barangay Salvacion, Irosin, Sorsogon na ang magpinsang Gallega at Orbena ay mga sibilyang residente ng barangay. Gumawa rin ng sertipikasyon ang Peter Paul Philippines Corporation na empleyado nito ang magpinsan.

Sina Col. Kakilala at P/Supt. Oliquiano na lamang ang hindi nagsasabi ng totoo. Hindi sila dapat hayaang tumakas sa kanilang pananagutan sa dalawang biktima.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140220_kasinungalingan-nina-col-kakilala-at-police-chief-oliquiano-lantad-na

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.