From the Mindanao Examiner blog site (Feb 12): 3 NPA tigok sa militar sa Compostela Valley (3 NPA killed by military in Compostela Valley)
Patay ang tatlong rebelde at sugatan naman ang isang sundalo sa panibagong sagupaan sa grupo ng New People’s Army sa Compostela Valley province sa Mindanao.
Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na umabot ng isang oras ang labanan sa Barangay Casoon sa bayan ng Monkayo na kung saan ay humihingi diumano ng salapi ang NPA sa mga mamamayan.
Nabawi naman ng mga tropa ng 25th Infantry Battalion ang dalawang automatic rifles, dalawang landmines, 200 metro ng detonating cord at mga medical kit at sari-saring mga kagamitan, kabilang ang mga anti-government propaganda.
“Tuloy-tuloy yun operation natin sa area at hinahanap natin yun iba pang mga pampasabog ng mga rebelde,” ani Caber sa Mindanao Examiner.
Pinuri rin ni Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III, pinuno ng Eastern Mindanao Command, ang tropa sa pagkakabawi sa mga bomba na mahigpit na ipinagbabawal ang gamit nito sa buong mundo.
Kamakalawa lamang ay anim na sundalo ang sugatan sa labanan sa NPA sa Digos City sa Davao del Sur na kung saan ay patuloy ang banta ng rebeldeng grupo laban sa militar at pamahalaan.
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/02/3-npa-tigok-sa-militar-sa-compostela.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.