From the Mindanao Examiner blog site (Jan 10): NPA tumira sa Agusan Sur (NPA scores in Agusan Sur)
Tinambangan kahapon ng mga hinihinalang New People’s Army ang isang grupo ng mga sundalo at parak sa bayan ng San Luis sa Agusan del Sur province sa Mindanao.
Pitong sundalo at isang Cafgu militia ang inulat na sugatan at isa naman sa panig pulisya sa pananambang sa Barangay Balit at nauwi ito sa sagupaan. May aarestuhin umano ang mga awtoridad sa naturang lugar ng sila’y ratratin ng mga rebelde.
Hindi pa mabatid kung may nasawi o sugatan sa panig ng NPA, ngunit nagpadala na umano ng karagdagang tropa ang 4th Infantry Division sa naturang lugar upang tugisin ang mga rebelde.
Sinabi naman ni Capt. Alberto Caber, ang tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na wala pang ibininigay na ulat ang 4th Infantry Division sa kanila kung kaya’t hindi rin nito masabi kung may casualties sa panig ng rebeldeng grupo.
“Wala pa kaming natatanggap na report mula sa 4th Infantry Division at hindi pa namin masabi kung may nasawi sa kabila,” wika pa ni Caber sa Mindanao Examiner Regional Newspaper.
Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa.
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/01/npa-tumira-sa-agusan-sur.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.