Inanunsyo kahapon ng militar na 9 rebeldeng New People’s
Army ang umano’y sumuko sa Mindanao kasabay ng panawagan ng pamahalaan sa mga
ito na bumalik sa batas at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya.
Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na 3
rebelde ang sumuko sa 39th Infantry Battalion sa Sitio Balagonon sa Barangay
Managa sa bayan ng Bansalan sa Davao del Sur.
Maging ang mga automatic rifles na ibinigay sa kanila ng NPA ay isinuko rin ng mga rebelde sa militar. Kinilala naman ni Caber ang mga sumuko na sina Charlie Pasco, Jeffrey Pasco at Guiller Ombaoy.
Inamin umano ng tatlo na ang matinding kahirapan ng buhay sa bundok ang siyang dahilan kung bakit silang napilitang sumuko sa pamahalaan. Nahimok umano sila ng NPA na sumanib sa kilusan kapalit ng kung anu-anong pangako, ngunit lahat umano ito ay pawang mga pang-akit lamang upang makakuha ng recruit.
Sinabi ni Caber na sa Lake Sebu sa South Cotabato province ay 6 pang mga rebelde ang sumuko rin sa mga tropa ng 27th Infantry Battalion sa Barangay Tasiman.
Kabilang sa mga ito ay ang tea leader ng NPA na nakilalang si Rudy Sawang at ang vice tam leader na si Anita Dalugan at kanilang mga tauhan na sina John Tomo, Lemuel Nalon, Luna Kaong, at Dina Daludo. Sila umano ang nasa likod ng maraming pagtatag ng mga kilusan sa South Cotabato at kabilang sa mga nagre-recruit sa mga magsasaka at sibilyan, gayun rin sa mga kabataan na sumanib sa NPA.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng militar ang mga sumuko at pinuri naman ni Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III ang mga sumuko dahil sa ipinamalas nilang katapangan upang makapagbagong buhay.
Maging ang mga tropa ay pinuri rin ni Cruz dahil sa pagpupursige nitong mahimok ang mga rebelde na sumuko at mamuhay ng mapayapa.
“The dedication and discipline shown by the (army’s) peace and development teams responsible in the surrender of the rebels is a big accomplishment itself because this clearly shows the trust and confidence of the community to our Bayanihan efforts and to the sincerity of the Aquino government in bringing peace and development in Mindanao,” ani Cruz.
Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag nito ang sariling estado sa bansa.
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/01/9-npa-sumuko-sa-mindanao.html

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.