Macario Liwanag (Ka Karyo)
Spokesperson
NPA Rizal Provincial Operations Command (Narciso Antazo Aramil Command)

Isang serye ng taktikal na opensiba ang inilunsad ng NAAC-NPA-Rizal upang papanagutin ang sumisira ng kalikasan, mga mangangamkam ng lupa at mga lansakang lumalabag sa patakaran ng Demokrationg Gobyernong Bayan na pinamumunuan ng CPP-NPA-NDFP. Isinagawa ang mga taktikal na opensibang ito matapos ang halos 2 linggong combat operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP sa kanayunan ng lalawigan ng Rizal.
Bandang alas-4 ng hapon ng Nobyembre 9 ay nireyd ng isang platun ng BHB ang Silangan Lumber, isang kumpanya ng quarry na pag-aari ni Mrs. Veronica Lee at Mr. Robles at nakabase sa Sitio Paenaan, Pinugay, Baras, Rizal. Ipinatupad ng BHB ang desisyon ng Demokratikong Gubyernong Bayan na ipatigil ang operasyon ng nasabing kumpanya dahilan sa malawakang pangangamkam ng lupa at pagsira sa kalikasan.
Matatandaang ang nasabing quarry operator ang sumira sa mga panamim ng mga magsasaka sa lupaing pwersahan nilang kinamkam gamit ang panlilinlang at karahasan. Nakumpiska ang 3 Shotgun, 2 pistola, 3 icom at mga dokumento ng kumpanya. Kasabay ng pagpapatigil sa nasabing operasyon ang babala na kapag nagpatuloy sila sa pagsira sa kalikasan at mga lansakang paglabag sa mga patakaran ng DGB ay tuluyang ipapasara ang nasabing kumpanya.
Alas-5 ng hapon ay kasunod na nireyd naman ng isang tim ng BHB ang bahay ng mag-asawang Ariel at Regina Bisgueras dahilan sa kanilang pangangamkam ng lupa at pananakot sa mga magsasaka sa parehong lugar. Nakumpiska sa kanila ang mga uniporme at mga mahahalagang dokumento na magagamit sa paniktik, natuklasan rin ng BHB na ang mag-asawa ay mga reserbang hukbo ng AFP. Binabalaan silang itigil ang kanilang pangangamkam ng lupa at pandarahas sa mga magsasaka at pinaalalahanan na kapag hindi sila nagbago ay mas mabigat na kaparusahan ang ipapataw sa kanila ng rebolusyonaryong kilusan.
Matapos ang isang oras ay nireyd naman ng isa pang tim ang Treasure Hunting Compound na pag-aari ni Retired Philippine Airforce Col. Lorenzo Deris. Sa Sitio Kilingan, Paenaan, San Jose, Antipolo City. Ipinatupad ng BHB ang atas ng Demokratikong Gobyernong Bayan na ipasara ang nasabing treasure hunting dahilan sa pagwasak sa kalikasan at paglabag sa patakaran ng DGB. Nakumpiska dito ang mga kagamitan na ginagamit sa treasure hunting.
Matapos ang serye ng taktikal na opensibang ito ay ligtas na nakaatras ang mga pwersa ng BHB habang nagbubunyi ang mamamayan sa nasabing lugar. Sa wakas, nabigyan din ng katarungan ang matagal na nilang kaapihan at natugunan ng BHB ang matagal na nilang kahilingan na parusahan ang mga sumisira sa kalikasan, mga mangangamkam ng lupa at mga lansakang lumalabag sa patakaran ng demokratikong gobyernong bayan.
Ang nasabing mga taktikal na opensiba ay nagawa ng BHB sa loob ng perimetro ng nagkukumpulang mga kampo ng 16th IB-PA. 59th IB-PA, SAF-PNP at RMG-PNP. Pagpapakita ito ng hindi nagtatagumpay ang pagsiskap ng kaaway na durugin ang rebolusyonayong kilusan sa ilalim ng OPLAN BAYANIHAN. Sa halip na madurog ay lalong lumalakas ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan. Ang mga tagumpay na TO ay isang panandang bato para ideklara na BIGO ang OPLAN BAYANIHAN sa lalawigan ng Rizal. Ang BHB na suportado ng mamamayan ay hindi kailaman madudurog. Bagkus ay lalong lalakas ito at patuloy na bibiguin ng anumang kontra-insurhensyang programa ng Rehimeng US-Aquino.
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PRENTE NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20131110_serye-ng-taktikal-na-opensiba-sa-rizal-matagumpay

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.