Thursday, November 14, 2013

CPP/NPA: Kasinungalingan ng 31st IB ukol sa Labanan sa Matnog, Sorsogon

Posted to the PRWC blog site (Nov 13): Kasinungalingan ng 31st IB ukol sa Labanan sa Matnog, Sorsogon (31st IB lies about the Battle of Matnog, Sorsogon)

Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command - NPA-Sorsogon
Nobyembre 13, 2013

KASINUNGALINGAN ang ipinangangalandakan ni 31st IB commanding officer Lt. Col. Beerjenson Aquino na ang nakasagupa nilang iskwad ng BHB sa Barangay Balocawe, Matnog, Sorsogon nitong Nobyembre 12 ay nakapwesto para tambangan ang mga tropang militar na patungong Visayas para magsagawa ng relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ang totoo, abala ang naturang iskwad gerilya sa pagdidirihe sa mga organisasyong masa sa lugar para paghandaan ang paghagupit ng bagyo alinsunod sa direktibang inilabas ng pambansang pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Nobyembre 6. Nakabase sila sa Balocawe mula pa noong Nobyembre 7. Nanatili ang iskwad gerilya ng BHB sa lugar upang mamahagi ng bigas sa baseng masa na sinalanta ng bagyo.

Kinubkob ng tropang 31st IB ang iskwad gerilya ng BHB nitong Nobyembre 12, ganap na alas-singko ng umaga. Magiting na nag-alay ng buhay sa labanang ito sina Ka Weng at Ka Ebor, mga Pulang mandirigma ng BHB.

 http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/11/kasinungalingan-ng-31st-ib-ukol-sa.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.