From the Philippine Information Agency (Jun 28): Tagalog News: Special Forces Regiment (Airborne), nagdiwang ng ika-51 anibersaryo (Special Forces Regiment celebrated its 51st anniversary)
FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija-- Idinaos nitong Martes ang ika- 51 taong anibersaryo ng Special Forces Regiment (Airborne) o SFRA na may temang “Special Forces: Tagapagtanggol at Kabalikat ng Bawat Pilipino Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran.”
(The 51st anniversary of the Special Forces Regiment (Airborne) or SFRA was held on Tuesday with the theme "Special Forces: Advocate and Kabalikat Every Filipino Towards Peace and Development.")
Ayon kay SFRA Commander Colonel Donato San Juan, layon ng selebrasyon na maipaalala ang kadakilaan, sakripisyo at tagumpay ng mga sundalo at pamunuan na bumubuo sa yunit.
(According to SFRA Commander Colonel Donato San Juan, the object of the celebration was to remember the nobility, sacrifice and success of the soldiers and leadership that make up the unit.)
Sinabi pa ni San Juan na patuloy nilang pagiibayuhin ang kanilang kapasidad at kakayanang maprotektahan at magbigay dangal sa bansa.
(San Juan said that they continue to escalate their capacity and ability to protect and give honor to the country.)
Kaalinsabay ng anibersaryo ang homecoming ng mga miyembro ng Special Forces Alumni Association na ang ilan sa kanila ay kinilala at binigyang parangal sa mga di matatawarang kontribusyon.
(Along with the anniversary is the homecoming of members of the Special Forces Alumni Association that some of who have been identified and paid tribute to for their invaluable contributions.)
Ang SFRA ay isa sa tatlong yunit na nasasakupan ng Special Operations Command o SOCOM na nakabase sa Fort Magsaysay.
(The SFRA is one of three units subordinate to the Special Operations Command or SOCOM based in Fort Magsaysay.)
http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=1961372392158
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.