Leona Paragua
Spokesperson
NDF-Palawan
National Democratic Front of the Philippines
May 24, 2023
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa panawagan ng mga katutubong Palaw’an at mamamayan ng Brooke’s Point na suportahan ang kanilang makatwirang laban sa mapaminsalang proyektong naninira sa kanilang kalikasan. Malinaw sa apela ng Palaw’an Cultural Community at Mga Kalebonan Et Bicamm ang kanilang mga reklamo — ang pangwawasak ng kumpanyang Ipilan Nickel Corporation (INC) sa kanilang lupaing ninuno at pagyurak ng huli sa kanilang mga karapatan at ang pakikipagsabwatan ng National Council on Indigenous Peoples (NCIP) sa malalaking kumpanya ng mina at reaksyunaryong gubyerno.
Napakatigas ng mukha ng NCIP at pambansang gubyerno sa harap ng paglalantad ng mamamayan noon pang Hunyo 2022 sa panggagantsong ginagawa ng NCIP at INC. Ilang beses mang nagpatawag ng “konsultasyon” ang NCIP, niluto lamang ang resulta nito at pinalabas na mayorya ng mga katutubong Palaw’an ay sumang-ayon sa proyekto.
Kinakasangkapan din ng reaksyunaryong estado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), bukod sa mga pambansa at pamprobinsyang sangay ng gubyerno sa pagkiling sa interes ng INC. Dahil sa mga ito, lalo lamang nilang ginagatungan ang dati nang maalab na pagtutol ng mamamayan sa mapaminsalang mina sa pagpapahintulot na makapagpalawak ang operasyon ng Nickel Asia sa katabing bayan ng Bataraza sa pamamagitan ng kumpanya nitong Riotuba Mining Corporation (RTMC).
Sa kabila ng mga pakana ng reaksyunaryong estado, nagpatuloy ang malawakan at konsistenteng pagtutol ng mamamayan na lumundo sa barikadang bayan sa Brooke’s Point noong Pebrero. Hindi nila inaalintana ang katotohanan ng patuloy na pagpabor ng reaksyunaryong gubyerno sa operasyon ng kumpanya.
Tila mga hipong tulog ang gubyerno na ipinagwawalambahala ang nagkakaisang tinig ng mamamayan kaya naman malakas ang loob ng kumpanya, katuwang ang mga pulis,sundalo at bayarang mga bantay nito sa pag-atake sa mga residenteng nagpoprotesta. Binabaligtad pa ng kumpanya ang naganap na karahasan noong Abril 14 at inakusahan pa ng panggugulo at panghaharas umano ang mga nagpoprotesta. Sino’ng maniniwala sa ganitong argumento gayong malinaw na ang armado ay ang kanilang mga bayarang armadong security at kasabwat na pulis at sundalo. Malinaw na isa itong kalokohan at pagbibigay-katwiran lamang sa kanilang pag-atake at pagtatangkang patigilin ang protesta. Katunayan, sila pa ang iligal na nagpaaresto at nagdetine sa anim na residente.
Ang sabwatan ng gubyerno sa INC at iba pang kumpanya ng dambuhalang mina ang ngayo’y pangunahing pasakit at krus na pasanin ng mga Palaweño, hindi lamang ng mga katutubong Palaw’an. Lantaran ang pagsubasta ng likas-yaman ng lalawigan sa dayuhan at lokal na kapitalistang interes sa kapinsalaan ng kabuhayan, ari-arian at kalikasan ng mamamayan. Ang mga kabundukang binubutas ng mina sa Timog Palawan tulad ng Gantong, Bulanjao, Matalingahan at iba pa ay mga sagradong lugar hindi lang para sa mga katutubo kundi sa lahat ng naninirahan sa paanan nito sapagkat dito nagmumula ang kanilang tubig, kabuhayan at proteksyon laban sa mga natural na sakuna at kalamidad. Hindi pa nga tapos ang operasyon ng INC at iba pang minahan ay lumulubog na sa baha ang Brooke’s Point, laluna kapag nagpatuloy ang operasyon ng mga ito at higit pang nagpalawak. Ang masaklap, aalis ang mga kumpanya nito nang hitik sa tubo at pakinabang sa lupain ng mga Palaweño habang iiwan nitong gutom, wasak ang tirahan at nanganganib ang buhay ng mga mamamayan.
Dapat dinggin at ibayo pang suportahan ng iba’t ibang sektor sa Palawan, sa buong bansa at maging ng pandaigdigang komunidad ang pakikibaka ng mga katutubo at mamamayan ng Brooke’s Point laban sa mapaminsalang mina. Nananawagan ang NDFP-Palawan sa mga tunay na manananggol ng bayan, kasama na ang mga paralegal na tulungan ang mamamayang Palaweño na ipagtanggol ang kanilang lupa at kabuhayan laban sa mapaminsalang pagmimina. Lehitimo at mahigpit na nakaugnay sa pakikibaka para sa pagtatanggol laban sa pangangamkam, pagdambong at pagwasasak sa kalikasan ng mga dambuhalang kumpanyang lokal at dayuhan—na lahat ay nakakabit sa kordon ng imperyalismo. Ang pagtutuloy ng operasyon ng INC at iba pang operasyon ng mina hindi lang sa Palawan kundi sa buong bansa at daigdig para sa kapakinabangan ng imperyalistang supertubo ang patuloy na nagpapatindi sa kahirapan at sa esensya’y unti-unting pumapatay sa kasalukuyang henerasyon ng mamamayan.
Kasabay nito, nararapat na patuloy at higit pang pag-ibayuhin nila ang kanilang pakikibaka laban sa mapaminsalang operasyon ng INC at hindi tumigil rito. Dapat ibunsod ang malakas na kilusang masang anti-mina at lahat ng mapaminsalang proyektong dayuhan at lokal sa probinsya. Dapat itong iugnay sa pakikibaka ng iba’t ibang sektor para sa kabuhayan, at itaas sa pakikibaka laban sa imperyalismo. Sa gitna ng kainutilan ng rehimeng US-Marcos-Duterte sa kanilang hinaing, lalong dapat sumalig ang mamamayan sa kanilang sariling lakas at patatagin ang bag-as ng kanilang pakikibaka. Dapat silang matuto sa mahabang kasaysayan ng pakikibakang pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas bilang pinakaabanteng destakamento ng uring manggagawa at iba pang uring inaapi sa bansa na konsistenteng nakibaka laban sa imperyalismo at lokal na reaksyon. Sa matatag na pamumuno ng Partido, wastong magigiyahan ang pakikibaka ng mga Palaweño sa kabuhayan at kalikasan.#
https://philippinerevolution.nu/statements/pag-ibayuhin-ang-pakikibaka-ng-mga-palaweno-laban-sa-mapaminsalang-mina/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.