Public Information Office
CPP Southern Tagalog Regional Committee
Communist Party of the Philippines
May 25, 2023
Kaisa ng Partido Komunista ng Pilipinas ng Timog Katagalugan (PKP-TK) ang buong sambayanang Pilipino sa pagkundena sa isinusulong na pag-amyenda sa konstitusyon ng Pilipinas sa ilalim ng tuta, pasista, palpak at pahirap na rehimeng US-Marcos II. Ang pakanang ito ay tiyak na magdudulot ng ibayong pagpapahirap sa mamamayang Pilipino na matagal nang nagdurusa sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan na patuloy na inaagnas ng hambalos ng mga patakarang neoliberal ng imperyalismong globalisasyong pinaghaharian ng US.
Ang palagiang pagtatangka na baguhin ang reaksyunaryong Konstitusyong 1987 ay hindi nawawala sa adyenda kahit sa mga nakaraang rehimen, pinakatampok kina Ramos, Macapagal-Arroyo, Aquino II at Duterte. Sa ilalim ng mga neoliberal na patakarang dikta ng imperyalismong US, lagi’t laging pinag-iinteresang alisin ang natitirang mga limitadong konsesyon na ibinunga ng tagumpay ng pambansa-demokratikong kilusan at ng malawak na kilusang masa na lumundo sa pag-aalsang EDSA na nagpatalsik sa diktadurang US-Marcos I noong 1986. Ilan sa mga ito ang pagbabawal sa pagpapalawig sa termino ng mga inihalal sa burges ng eleksyon, karagdagang probisyon para pigilan ang pagtatatag ng panibagong diktadurang ala-Marcos I, batas na magtitiyak sa paggalang sa mga karapatang tao, sistemang partylist, proteksyon sa pambansang soberanya at ekonomya, pagbabawal sa dayuhang base militar, armas nukleyar at patakaran sa pakikidigma.
Dahil sagad-saring tuta si Marcos II ng imperyalismong US, hindi na nakapagtataka na iprayoridad nito ang pagbaklas sa mga natitirang demokratiko at makabayang probisyon sa konstitusyon at buo-buong isuko ang soberanya ng bansang Pilipino sa mapandambong na interes ng monopolyong kapitalistang US. Sa harap ito ng mas maraming kagyat na mahahalagang usaping pambayan na dapat atupagin at bigyan ng solusyon tulad ng mataas na implasyon, kawalan ng lupa, kawalan ng kabuhayan at empleyo, mababang sahod, bagsak na produksyong pang-agrikultura, krisis sa edukasyon at kalusugan at marami pang iba. Pangita ang walang-tigil na pagbyahe at paglamyerda ni Marcos II sampu ng kanyang mga kapural na nagwawaldas ng pondo ng bayan para tuluyang buksan at buo-buong ibenta ang bansa sa mga dayuhang interes at kapital.
Sa gitna ng napipintong inter-imperyalistang digmaan sa pagitan ng US at Tsina, bilang numero-unong papet, nais ng rehimen ni Marcos II na maging maluwag ang konstitusyon para sa mga base militar ng US at gawing imbakan ang bansa ng mga armas nukleyar na mahigpit na ipinagbabawal sa Konstitusyong 1987. Matatandaang wala pa man ang cha-cha ay itinatayo na ang mga panibagong EDCA sites ng US kabilang ang mga base militar sa Palawan at sa Hilagang Luzon. Ginagawa nitong teatro ng labanan ang Pilipinas sa pagitan ng US at China at nakatakdang maghasik ng karumaldumal na krimen sa bayan matapos ilagay nito sa panganib ang buhay at kaligtasan ng mamamayang Pilipino.
Nais nitong sagarin ang pagdarambong sa natitirang yaman ng bayan para ialay sa altar ng among imperyalistang US para sa pagkakamal ng super tubo at pagmamantina ng hegemonya nito sa daigdig laluna sa Asya Pasipiko. Nais nitong pigilan ang mga lehitimong pakikibakang bayan at ipawalangsaysay ang pambansang pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Malinaw ang pagiging anti-mamamayan gayundin ang pagiging anti-nasyunal at anti-demokratiko ng pakanang baguhin ang konstitusyon. Ninanais nitong palawigin sa poder ang nakaupong ilehitimong pangulo at mga kasabwat na naghaharing-uri para higit pang makapandambong sa bayan. Nais nitong lubusang agawin at pagkaitan ng kabuhayan ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga neoliberal na patakaran na siyang pinakaubod ng mga probisyong pang-ekonomya. Bibigyang laya nito ang pang-angkin ng mga dayuhan sa lupa, mga yamang likas ng bansa at mga batayang pinagkukunan ng kabuhayan ng mamamayan. Bibigyang daan din nito ang lantarang paglabag sa mga karapatang pantao at pamamayagpag ng pasistang diktadura at walang habas na pagpapataw ng batas militar kailan man ito naisin ng pasistang rehimen para ipagtanggol ang interes ng imperyalismong US at ng makitid na interes ng naghaharing paksyon ng mga naghaharing uri.
Sa kabilang banda, higit na paiigtingin ng pagraratsada ng cha-cha ng administrasyong Marcos II ang lumalala at lumalalim na tunggalian sa pulitika ng mga naghaharing paksyon. Pagsisilbihin ni Marcos Jr. ang cha-cha upang mapahigpit ang kontrol sa kapangyarihan sa gitna ng lumalaking bitak sa alyansa nito sa mga Arroyo at Duterte. Unti-unting lumilitaw ang kanilang girian sa balyahan ng mga opisyal ng AFP-PNP at maging sa pagpupwesto ng mga pulitiko sa poder, pinakahuli ang agawan sa Speakership sa Kamara nina Romualdez at Arroyo, pagtatalaga kay Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-ELCAC at pagreresign nito bilang chairman ng LAKAS-CMD. Ang paglala ng tunggalian sa loob ng naghaharing paksyong US-Marcos-Arroyo-Duterte (US-MAD) sa harap ng tumitinding kahirapan ng bayan ay palatandaan ng higit na paglala sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Ang lahat ng ito’y labis-labis nang pinagdurusahan ng sambayanang Pilipino na dapat mapagpasyang labanan at wakasan.
Dapat magkaisa ang sambayanang Pilipino para ubos-kayang labanan ang lantarang pagtataksil sa bayan sa pagpapakana ng cha-cha ng naghaharing paksyong US-Marcos II. Dapat buuin ang pinakamalawak na pagkakaisa ng sambayanan mula sa batayang uri ng manggagawa at magsasaka, mga peti-burgesya sa kalunsuran at mula sa hanay ng makabayan at naliliwanagang burukrata upang itutok ang pinakamalakas na paglaban sa pinakasagadsarin, pinakapapet at pinakamandarambong na rehimeng US-Marcos II. Alinsunod dito, nararapat na ilunsad ang sustenido, papalawak at papalaking mga pagkilos ng bayan sa lahat ng kalunsuran at malalaking kabayanan sa buong kapuluan. Ikumbina ito sa pagpapasigla ng armadong pakikibakang inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan.
Sa pamamagitan ng proletaryadong Pilipino at ng partidong pampulitika nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), pamumunuan at imamartsa ang buong bayan para alisan ng puwang at biguin ang imbing pakana ng mga taksil sa bayan na mga mapang-api’t mapagsamantalang uring sunod-sunuran sa dikta at imposisyon ng imperyalismong US. Kaalinsabay nito, patuloy na pamumunuan ng Partido ang bagong tipong pambansa-demokratikong rebolusyon. Sa tagumpay ng pambansa-demokratikong rebolusyon at sa sosyalistang hinaharap nito sa pamumuno ng PKP, makakamit ang tunay na kalayaan at lubos na demokrasyang bayan at titiyakin ang mga karapatan at hustisyang pang-indibidwal, maka-uri at pambansa.###
https://philippinerevolution.nu/statements/mamamayang-pilipino-magkaisa-ilantad-at-labanan-ang-anti-mamamayan-anti-demokratiko-at-anti-nasyunal-na-pakanang-cha-cha-ng-ilehitimong-rehimeng-us-marcos-ii/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.