May 26, 2023
Ipinatawag at ginipit ng mga sundalo ng 80th IB noong Biyernes, Mayo 26, ang lahat ng residente ng Sitio, Ligtas, Barangay San Rafael, Montalban, Rizal na nakatanggap ng ayuda mula sa grupong Serve the People Corps (STPC) at Karapatan-Rizal noong Mayo 22. Sa pulong, tinakot at binantaan nila ang lahat ng tumanggap ng tulong.
Pinagbintangan ng 80th IB ang mga boluntir na nagbigay ng tulong sa barangay na mga tauhan diumano ng Bagong Hukbong Bayan. Ipinailalim nila sa interogasyon ang mga residente. Pinalalabas ng mga sundalo na krimen ang pang-uupat ng paglaban sa gubyerno.
Ayon sa Karapatan-Rizal, layunin nilang maghatid ng tulong materyal at moral sa mga apektado ng sapilitang pagpapalikas sa nangyaring labanan noong huling linggo ng Abril sa pagitan ng mga sundalo at Bagong Hukbong Bayan.
Nagbigay ang mga grupo ng bigas at vitamins sa mga residente. Itinayo din ang community kitchen at isinagawa ang psycho-social na aktibidad para sa mga bata. Kasabay nito, isinagawa rin din ang talakayan hinggil sa Basic Human Rights. Inilunsad ang isang “open forum” sa kanilang mga karapatan at lumitaw na malaki ang tulong na kailangan ng mga residente lalo na sa usapin ng lupa.
Binatikos ng Karapatan-Rizal ang walang patumanggang pananakot, harassment, pangrered-tag at paglalagay sa panganib sa kaligtasan at buhay ng mga residente at ng mga boluntir ng STPC at Karapatan-Rizal. Anila, “ang ginagawang ito ng 80th IB ay naglalantad lamang sa tunay nilang kulay na anti-mamamayan at ang pinaglilingkuran ay interes ng malalaking negosyante.”
Ang 80th IB ay nagsisilbing gwardya ng anti-katutubo at mapanirang Wawa-Violago Dam na pag-aari ng mga Razon at Violago na magpapalayas sa mga residente doon at magdudulot ng malawakang pagbaha at pagkasira ng kalikasan ng Montalban.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-rizalenong-tinulungan-ng-mga-progresibo-binantaan-ng-80th-ib/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.