CAMP DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Ibinahagi ng 5th Infantry (STAR) Division, Philippine Army ang unang aning-bunga ng proyektong “Bawat Kawal, may Binubungkal” sa 56 na dating miyembro ng CPP-NPA sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela noong ika-28 ng Agosto 2020 sa pangunguna ni Colonel Ferdinand Melchor C. Dela Cruz, ang Chief of Staff ng 5ID.
Ang proyektong “Bawat kawal, may Binubungkal” ay inilunsad noong ika-2 ng Hulyo 2020 kasabay din ng “Hardin ng Lunas” bilang bahagi ng programa ng 5th Infantry Division pantugon sa umiiral na krisis dulot ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo.
Napagkaisahan ng mga pinuno’t kawal ng 5ID na ang kanilang unang-ani sa nasabing proyektong gulayan ay ibibigay sa mga nagsipagbalik-loob na dating mga rebelde bilang pang-alalay sa kanilang pagkain ngayong panahon ng pandemya.
“Ang proyektong ito ng 5ID ay hindi lang para sa mga kasundaluhan kundi para rin sa mga kapatid nating naging biktima ng panlilinlang sa maling ideolohiya. Binibigyan pansin ng 5ID ang kapakanan ng bawat rebeldeng sumusuko na nagnanais magbagong buhay. Kalakip ng bawat rebeldeng sumusuko ay ang pag-asang matatapos ang insurhensiya sa ating lugar upang makamit ang tunay na kapayapaan at pag-unlad na inaasam ng lahat.”-ang pahayag ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID, PA.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/5id-namahagi-ng-sari-saring-gulay-mula-sa-kanilang-proyektong-bawat-kawal-may-binubungkal-sa-56-na-dating-npa-na-sumurender-sa-isabela/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.