Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 21, 2020): FMO sa ST,binigo ng BHB
Naglunsad ng magkasunod na aksyong militar ang Bagong Hukbong Bayan laban sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa ng nakapokus na operasyong militar (focused military operation o FMO) sa Southern Tagalog nitong nagdaang linggo.
Noong Marso 15, binigwasan ng isang yunit ng BHB ang nag-ooperasyong mga tropa ng 18th Special Forces Company (SFC) sa Barangay Iraan, Rizal, Palawan. Sa tatlong-minutong labanan, limang sundalo ang napatay at marami ang naiulat na sugatan. Ang naturang opensiba ay tugon sa ilang araw nang paghahasik ng teror ng 40 tropa ng 18th SFC sa lugar.
Sa sumunod na araw, naglunsad naman ng operasyong haras ang isang yunit ng BHB-Quezon laban sa mga pwersa ng 85th IB na gumagalugad sa Barangay San Vicente Kanluran, Catanauan. Dalawa ang kumpirmadong patay at hindi mabilang ang sugatang sundalo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/03/21/fmo-sa-stbinigo-ng-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.