Thursday, August 1, 2019

Tagalog News: RTF-ELCAC Caraga bumuo ng action plan para sa pagpapatupad ng EO 70

From the Philippine Information Agency (Aug 1, 2019): Tagalog News: RTF-ELCAC Caraga bumuo ng action plan para sa pagpapatupad ng EO 70


LUNGSOD NG BUTUAN - Nagtipon-tipon ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na siyang bumubuo sa 12 clusters sa ilalim ng Caraga Regional Task Force - Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) dito sa lungsod para bumuo ng ibat-ibang action plan alinsunod sa Executive Order No. 70 o ang pagsugpo ng local armed conflict o insurgency sa rehiyon.

Ayon kay regional director Lilibeth Famacion ng Department of the Interior and Local Govrnment (DILG) Caraga at head secretariat ng Regional Peace and Order Council (RPOC), kailangan magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan at ma-streamline ang mga gagawing hakbang sa kanilang pagtugon sa problema sa insurgency,para mas maging planado at organisado.

Ibinahagi ni Erica Gina Cariño ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA)-central office ang mga mahahalagang papel ng bawat cluster at mga programa't serbisyo ng mga ito na dapat maibigay sa apektadong komunidad.

Binigyang-halaga rin ni regional director Manuel Orduña ng NICA regions 10 at Caraga ang ilang programa at kampanya ng administrasyong Duterte na nakatulong sa mga mamamayang pilipino lalu na ang mga programang nakapagbigay oportunidad sa mga former rebels na makapagbagong buhay.

Umaasa naman si assistant regional director Roy Kantuna ng National Economic and Development Authority (NEDA) Caraga na sa mga nabuong action plans ng mga clusters ay mas mapaigting pa ang kampanya laban insurgency at mas matugunan ang mga pangunahing isyung kinakaharap sa mga conflict-affected areas ng rehiyon.

Ang RTF-ELCAC ay binubuo ng: 1) local government empowerment; 2) legal cooperation cluster; 3) basic services; 4) peace and law enforcement; 5) local peace engagement; 6) sectoral unification capacity building and empowerment; 7) livelihood and poverty alleviation; 8) strategic communication; 9) infrastructure and resource management; 10) situational awareness and knowledge management; 11) E-CLIP and amnesty; at 12) international engagement. (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1025453

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.