Thursday, August 1, 2019

Tagalog News: Orientation at Action Planning sa EO 70 isinagawa sa Sibugay

From the Philippine Information Agency (Aug 1, 2019): Tagalog News: Orientation at Action Planning sa EO 70 isinagawa sa Sibugay

IPIL, Zamboanga Sibugay - - Nagpulong ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa pamumuno ni Governor Wilter Yap Palma upang mabigyang kaalaman ang mga miyembro tungkol sa Executive Order 70 at makagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapatupad nito.



Ang nasabing orientation at action planning ay ginanap sa PDRRMO Bldg. sa Kapitolyo ng Zamboanga Sibugay at dinaluhan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan, kasali na ang pribadong sektor at mga stakeholders.

Hinikayat naman ni Gov. Palma ang mga miyembro ng Task Force na magkaisa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong nasa liblib na lugar na mahirap maabot ng serbisyo at ipakita sa kanila na mayroon tayong gobyerno na kumakalinga at nag aaruga sa kanila.

Nakiusap din siya sa mga local legislators na ipasa ang resolusyon na nagdedeklarang persona non grata ang mga kasapi ng New Peoples’ Army sa kanilang mga lugar.

Giit pa niya na kung walang kapayapaan, walang mangyayaring pag unlad ng isang bayan at makakamtan lang ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat upang labanan ang banta ng terorismo.

Ayon kay MGen Bagnus Gaerlan, commander ng 102nd Brigade, sa mga taong naliligaw ng landas, “dapat nating ipakita na mas maganda ang ating gobyerno, mas makatao, maka diyos at maka bansa.” (ALT-PIA9/Zamboanga Sibugay)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.