Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 26, 2021): Mag-amang Sibilyan sa Camarines Norte, Panibagong Biktima ng Pamamaslang ng 96th IB PA
CARLITO CADASPOKESPERSON
NPA-CAMARINES NORTE (ARMANDO CATAPIA COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 26, 2021
Natagpuang bangkay malapit sa kanilang bahay sa Purok 6, Dumagmang, Labo Camarines Norte ang mag-amang sina Louis Buenavente at Jetly Buenavente. Basag ang mukha at parehong may tama sa dibdib ang mag-ama.
Malapit ang bahay ng mga biktima sa lugar kung saan naganap ang matagumpay na reyd ng BHB Camarines Norte sa 1st Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company kung saan nagtamo ng kaswalti ang kapulisan.
Agad pinalabas ng 96th IB PA na mga kasapi ng BHB ang natagpuang mga bangkay. Nakunan pa di- umano ng bakpak, IED at ID ng mga police na namatay sa reyd.
Malaking KASINUNGALINGAN ang pahayag ng Camarines Norte Police Provincial Office. WALANG kasapi ng BHB ang nasawi sa taktikal na opensiba na isinagawa ng Armando Catapia Command (ACC) noong gabi ng Marso 19, 2021. Pawang sibilyan ang mga natagpuang bangkay.
Karaniwang krimen ng mga pasistang militar at pulis ang pumatay ng sibilyan matapos ang bigong pakikipagsagupa nito sa BHB. Matatandaang katulad na masaker ito sa tatlong magsasaka na sina Roberto Ramos, Antonio Bonagua at Ronel Nariz sa Patalunan, Ragay Camarines Sur noong Mayo 13 , 2018 matapos ang engkwentro sa BHB at nagtamo ang AFP ng dalawang kaswalti. Pagpatay kay Joel Maranda sa barangay Malaya, Labo Camarines Norte, matapos ang bigong kubkob sa yunit ng BHB noong Enero 22, 2020. Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng kaso ng pagpatay sa mga inosenteng sibilyan.
Sadyang uhaw sa dugo at nauulol na aso ang mga pasistang tropa ng AFP at PNP. Sa tuwing sila ay nabibigo sa pakikipagsagupa sa BHB, ang mga walang kalaban- labang sibilyan ang kanilang pinagbabalingan. Higit na nanganganib sa kanila ang kaawa-awang sibilyan dahil walang pinipiling biktima ang kanilang walang habas na pamamaslang. Asal- alipin nilang sinusunod ang anumang utos ni Duterte na kaliwa’t kanang pagpatay sa gitna ng sobrang kahirapan na dinaranas ng sambayanang Pilipino sa palpak na pagharap ng militaristang rehimen sa pandemyang Covid-19.
Nanawagan ang ACC sa lahat ng midya, taong simbahan, iba pang propesyunal at sa lahat ng mamamayan ng Camarines Norte na sa yugtong ito ng madilim na kasaysayan ng bansa, kung saan laganap, malawakan at sistematiko ang ginagawang pagpatay ng mga ahente ng estado. Dapat tayong MAKIALAM at hindi lang magkibit-balikat, tayo’y manindigan para ipagtanggol ang buhay, kabuhayan at karapatan nating mga mamamayan. Dapat na panagutin at pagbayarin ang rehimeng Duterte sa paglapastangan sa buhay at karapatan ng sambayanang Pilipino. Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
https://cpp.ph/statements/mag-amang-sibilyan-sa-camarines-norte-panibagong-biktima-ng-pamamaslang-ng-96th-ib-pa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.