Thursday, July 9, 2020

THE RETURNEES’ PORTFOLIO: Isang sulyap sa mga nagbalik-loob

From the Philippine Information Agency (Jul 9, 2020): THE RETURNEES’ PORTFOLIO: Isang sulyap sa mga nagbalik-loob (By Olive P. Tiu)

Featured Image

Dalawang batang babaeng Amasona ang na-rescue ng mga tauhan ng 14th Infantry Battalion noong ika- 12 ng Hunyo, ika-122 na Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Hindi na makayanan ang matinding pagod at hirap ng walang kabuluhang pakikibaka sa kagubatan, sina AKA Ermie, 19 na taong gulang na babaeng kasapi ng NPA at ang kanyang 17 na taong gulang na kapatid na babae, si Shane, isa ring kasapi ng NPA, ay nagpasyang tumakas.

Sa gitna ng malalim at madilim na gabi, mabilis na tumakas ang dalawa, papalayo sa mga kasamahan nila sa bundok, iniwan ang kanilang mga magulang na parehong kasapi din sa mapang-abusong NPA.

Nakarating sila sa Barangay Pinamunuan, Mahaplag, Leyte kung saan, sa kabutihang palad, sila ay na rescue ng mga elemento ng 14th Infantry Battalion sa ilalim ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, na pinamumunuan ni Lt. Col. Roberto Obaob.

Ang mga batang amasona ay nagsurender ng isang 1911 caliber .45 na baril, isang magazine at pitong (7) ammunition.

Sa panayam ng Philippine Information Agency sa dalawang rebel returnees, sinabi nila na sila ay na-recruit noong sila ay mga menor de edad pa lamang, pinangakuang papag-aaralin hanggang makatapos ng kurso, pangakong napako at lip service lamang.

Ang nakababatang si Shane ay sa Naval sumali samantalang si Ermie ay sa Hindang sumali. Si Shane ay nakasali sa medikal at si Ermie ay sa politikal na trabaho. Mahirap daw ang pagkain sa bundok at kagubatan, umaasa lang sila sa masa. Wala din daw silang pera. Wala din silang permanenteng tirahan dahil takbo lang sila ng takbo. Takot na maabutan ng mga sundalo ng gobyerno.

Nag-usap daw sila ng kanilang mga magulang. Kinumbinse nila ang mga ito na umalis na sa kilusan, subalit hindi pumayag ang kanilang tatay. Itatakwil daw niya sila kung sila ay umalis. Pero iniisip nila ang kanilang kinabukasan.

Tinakot daw sila na papatayin sila ng mga sundalo. Hindi naman daw totoo, mababait daw ang mga sundalo. Hindi kagaya ng NPA na mabait lang sa umpisa.

Ang kanilang dasal na sana bumaba na rin ang kanilang mga magulang para magsama-sama sila na buong pamilya.

Sa ngayon, si Ermie at Shane ay tinutulungan para maka-avail sila sa E-CLIP na programa ng gobyerno para sa mga rebel returnees.

Kinundena naman ng 14IB ang teroristang NPA sa pang-aabuso at pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ang mensahe in Lt. Col. Obaob sa mga magulang nila Ermie at Shane: Bumaba na rin sila at sumuko para magbagong buhay kasama ng mga anak nila. Sa ibang mga magulang, “Protektahan ninyo ang inyong mga anak laban sa exploytasyon at mapanlinlang na recruitment ng mga NPA,” dagdag pa ni Obaob. (PIA-8)

https://pia.gov.ph/news/articles/1047119

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.