SPOKESPERSON
NPA-PANAY
CORONACION CHIVA “WALING-WALING” COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
JULY 09, 2020
Hindi nakulong ng militaristang lockdown ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan sa isla ng Panay laban sa sindak at karahasang hinahasik ng mapanalasang mga opensibang operasyon militar sa kanayunan na mas mapanganib pa sa COVID.
Angkin ang malawak at malalim na suporta ng mamamayan, binigwasan ng mga yunit ng NPA ang mersenaryong tropa ng 3rdID sa Panay kasabay sa pagtulong sa mamamayan na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya. Mayo 3, 2020 hinarass ng isang tim ng NPA ang bagong itinayong CAFGU detatsment sa Brgy. Barasan, Igbaras, Iloilo.
Pagkasunod na linggo, binulabog ng putok ng NPA ang Anhawan detatsment sa Janiuay, Iloilo noong Mayo 11 at kinabukasan naman ang Apong detatsment sa Sibalom, Antique. Umaga ng Mayo 25 sekretong nalapitan at pinaputukan ang Cafgu detatsment sa Brgy. Katipunan, Tapaz, Capiz. Noong Hunyo 22 hinaras naman ang Trangka detachment sa Maasin, Iloilo. At nitong huli, 4 ang patay at 3 ang nasugatan sa tropa ng 61stIB ng tambangan ang kanilang convoy sa hi-way sa sakop ng Brgy. Igbucagay, Hamtic Antique ng Hulyo 2 ng gabi.
Naabot ng mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya ang sagad-saring ahente sa paniktik ng IPPO Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) si P/MSgt Arnel Paurillo ng parusahan ito ng isang yunit isparo ng Napoleon Tumagtang Command (NTC) noong alas 9:30 ng gabi ng Hunyo 15, 2020, sa Brgy. Teniente Benito, Tubungan, Iloilo.
Nadis-armahan naman ang intel asset ng PNP na si Nicolas Capeña ng Brgy. Barasan, Leon, Iloilo sa checkpoint na itinayo ng NTC noong Hunyo 1, 2020. Nakuha sa nasabing mga ahente sa paniktik ang 3 pistola, mga bala, at iban pang kagamitan.
Itinago naman sa publiko ng 3ID, PA ang kanilang mga patay at iba pang natamong kaswalti bunga ng mga patraidor at bigo nilang mga pag-atake at nang mga matagumpay na pagdepensa at opensiba ng NPA sa panahon ng tigil-putokan at patuloy na pandemya. Kalakaran na ito ng AFP para makaiwas sa ibayong kahihiyan at palabasin na sa kanila palagi ang bentaha.
Samantala, isa ang naging kaswalti ng NPA resulta ng nasabing mga pang-aatake. Aming pinaparangalan si Ka Lean/Lucas, Malvin Christian Cruz, sa tunay na pangalan sa kanyang katapangan at pag-alay ng kanyang lakas at talino para palayain ang bayan mula sa kamay ng malupit na rehimen.
Hindi na makaya pang tabunan at pigilan ng mga linubid na kasinungalingan ng AFP at PNP ang kumukulong poot ng mamamayan na hindi na makatiis sa kriminal na kapabayaan at kapalpakan ng rehimeng Duterte. Malaki ang pananagutan ng AFP at PNP sa maraming kaso ng pamamaslang, pananakot at red tagging sa mga progresibo at inosenteng sibilyan para bigyang matwid ang kanilang panlulupig.
Malakas na nanawagan ang Coronacion “Waling-waling” Chiva Command sa lahat na rebolusyonaryo at makabayang mamamayan na higpitan ang pagkakaisa para labanan ang korap, tiraniko, pahirap at traidor na rehimen ni Duterte. Patuloy na suportahan ang armadong pakikibaka bilang pinakamahuhusgang armas sa pagdepensa sa demokratikong interes ng mamamayan at paghatid sa pagbagsak ng pasistang paghahari.
Ibagsak ang Rehimeng US-Duterte! Sumapi sa NPA!
https://cpp.ph/statement/npa-binigwasan-ang-kriminal-at-teroristang-afp-at-pnp-ng-rehimeng-duterte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.