May 500 na pamilya mula sa mga barangay ng Maamot at Sula sa bayan ng San Jose sa Tarlac ang nakinabang sa Joint Outreach Activity ng mga kasundaluhan at kapulisan. Kabilang sa mga ibinigay na serbisyo ang medical and dental check-up, libreng gupit, libreng appliance repair, feeding, at pamamahagi ng mga gamot, used clothes at laruan. (Cherie Joyce V. Flores/PIA 3)
SAN JOSE, Tarlac -- May 500 pamilya mula sa mga barangay ng Maamot at Sula sa bayan ng San Jose sa Tarlac ang nakinabang sa Joint Outreach Activity ng mga kasundaluhan at kapulisan.
Kabilang sa mga ibinigay na serbisyo ang medical and dental check-up, libreng gupit, libreng appliance repair, feeding, at pamamahagi ng mga gamot, used clothes at laruan.
Ayon kay 702nd Brigade Commander Brigadier General Henry Robinson, isa sa mga prayoridad ng Philippine Army ang mailapit at makapagbigay serbisyo at tulong sa mga taong nangangailangan.
Aniya pa, ang kasundaluhan at kapulisan ay nagnanais na maging kaagapay ng mga komunidad sa pagkakaroon ng mas maayos na buhay.
Sa tulong ng iba pang ahensya ng pamahalaan, patuloy ang kanilang pagbibigay ng basic social services sa mga liblib na lugar na sakop ng kanilang area of operation.
Tampok din sa naturang aktbidad ang puppet show at theater play presentation na nagpapakita ng pakikipagtulugan sa pamahalaan upang makamit ang mapayapang komunidad na walang insurhensya.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.