Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 21): #PeacetalksItuloy (Resume the Peace Talks)
DAAN-DAANG ESTUDYANTE, taong simbahan, akademiko, mga manggagawang pangkultura at mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang tuluy-tuloy na nagpahayag ng suporta para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP matapos ipahinto ni Pres. Rodrigo Duterte ng GRP ang negosasyon.
Noong Pebrero 10, daang estudyante ang naglunsad ng pagkilos sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Pedro Gil St., Maynila. Nagtipun-tipon din ang mga mag-aaral at organisasyon sa University of the Philippines-Diliman, sa Freedom Park sa Davao City at sa People’s Park sa Baguio City. Panawagan nila na ituloy pa rin ang mga nakatakdang pulong sa Pebrero 22 at Abril 2 at palayain ang mga bilanggong pulitikal.
Sa kongreso, naghain ang blokeng Makabayan ng resolusyon para muling ituloy ang usapan. Nakalikom ito ng mahigit 103 pirma ng mga mambabatas. Nakasaad rito na kumpara sa mga nakaraang administrasyon, ang negosasyon sa ilalim ng rehimeng Duterte ay nakapagkamit ng sustantibo at positibong pagsulong, at masasayang ang mga ito kung basta na lamang ihihinto ang negosasyon.
Noong Pebrero 17, pinangunahan ng Kapayapaan, organisasyon na nagsusulong ng kapayapaang nakabatay sa hustisya, ang Stand For Peace. Ginanap ito sa harap ng Bonifacio Shrine, Maynila.
Ayon sa pinag-isang pahayag ng Kapayapaan, ang terminasyon ng usapan ay magpapatindi lamang sa tunggalian habang hindi natutugunan ang mga ugat ng armadong labanan.
Sumuporta rin sa pagkilos ang mga kinatawan ng ACT Teachers Partylist, Antonio Tinio at France Castro. Sa Davao City, isang konsultasyon naman hinggil sa kapayapaan ang inilunsad ng mga progresibong organisasyon noong Pebrero 18 sa Ateneo de Davao.
Nagpahayag din ng pakikiisa ang mga propesor at administrador ng University of the Philippines, Ateneo de Manila, De La Salle University, Siliman University, University of Makati at Philippine Normal University. Sumuporta rin sa panawagan sina Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero at National Youth Commissioner Aiza Seguerra.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20170221-peacexadtalksituxadloy/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.