Wednesday, May 29, 2024

CPP/NPA-Mindoro/Southern Tagalog ROC: Kampo ng 4th IB sa Oriental Mindoro, pinatamaan ng BHB

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 28, 2024): Kampo ng 4th IB sa Oriental Mindoro, pinatamaan ng BHB (Camp of the 4th IB in Oriental Mindoro, hit by the NPA)
 


Madaay Gasic
Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

May 28, 2024

Pulang saludo ang ipinaaabot ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) sa mga Pulang kumander at mandirigma nito na naglunsad ng matagumpay na taktikal na opensiba sa kampo ng 4th Infantry Batallion (IB) sa Sityo Sigao, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Mayo 20, 2024. Matagumpay na pinatamaan ng putok ng isang yunit ng LDGC-NPA-Mindoro ang nakakampong militar bandang 9:15 nang umaga. Tiyak ang kaswalti sa kaaway habang ligtas namang nakaatras ang mga Pulang mandirigma. Tugon ito sa matagal nang panawagan ng mga mamamayan laluna ng mga katutubong Buhid na parusahan at bigyang hustisya ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at paghahasik ng teror ng mga pasistang sundalo.

Kinampuhan ng 4th IB ang Sityo Sigao, Barangay Lisap simula 2022. Sa loob ng dalawang taon, apektado ang mamamayan ng Sityo Sigao at karatig na mga lugar sa Bongabong ng walang patid na pagsasagawa nito ng krimen sa mamamayan. Naitala ang mga kaso ng sapilitan at pekeng pagpapasuko, pang-aabuso at panggagahasa sa mga kababaihan, pagkakampo sa gitna ng mga pamayanan at paulit ulit na pandarahas sa mga katutubong Buhid. Matingkad na insidenteng kinaharap ng mga mamamayan dito ang pambobomba ng FA50, pagkanyon at aerial straffing noong 26 at 27 Pebrero 2022.

Matatandaan na mula pa 2019 nang ideklarang pambansang prayoridad ang Barangay Lisap at Hagan sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro ng NTF-ELCAC, di na mabilang ang iba’t ibang kaso ng kalupitan ang pinakawalan ng reaksyunaryong gobyerno sa mga mamamamayan ng mga barangay na ito. Kinampuhan na ng RCSP yunit ang Sityo Rimas, isang sityo na kalapit din lamang ng Sityo Sigao noong Agosto 2020 hanggang buong taon ng 2021. Kaya ang pagkakampong muli sa barangay na ito ay patunay lamang na ang pasistang kampanyang supresyon ay siya mismong nagtutulak sa mamamayan para lumaban. Paulit-ulit na binibigo ng mga mamamayan ang malupit na programang ELCAC ng reaksyunaryog gobyenro dahil sa di-masikmurang pagtratong dinaranas nila at upang isigaw na hindi ito makatarungan para sa kanila.

Panawagan at hamon ang opensibang ito sa lahat ng yunit sa ilalim ng LDGC-NPA-Mindoro na ilunsad ang mga taktikal na opensiba laban sa 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA, ang haligi ng pasismo ng reaksyunaryong estado sa Mindoro. Paduguin ang halimaw sa maraming bahagi ng katawan nito at panapanahong bigwasan sa ulo saanman at kailanman kakayanin. Sa harap ng tumitinding maduming kontra-insurhensyang digma ng rehimeng US-Marcos II at armadong pwersa nito, makatarungan lamang ang lumaban at isulong ang armadong pakikibaka. Sa tulong ng determinadong mamamayan, patuloy na nagpapakahusay at nagwawasto sa mga kahinaan ang mga Pulang kumander at mandirigma ng LDGC-NPA-Mindoro upang ipagtanggol ang interes at karapatan ng mga Mindoreño.

https://philippinerevolution.nu/statements/kampo-ng-4th-ib-sa-oriental-mindoro-pinatamaan-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.