Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
May 26, 2024
Nakikiisa ang mamamayang Masbatenyo sa mga mamamayan ng Catanduanes at buong rehiyong Bikol sa tangkang muling pwestuhan ng baseng nabal ang Panay Island sa naturang prubinsya.
Sa halip na katiwasayan at kapayapaan, gulo at ligalig ang idudulot ng planong muling pagpapatayo ng naval base sa Catanduanes. Dahil baseng nabal, tiyak na magiging himpilan ang naturang isla ng mga barko at kagamitang pandigma ng Amerika, bagay na lalong mag-iimbita ng agresyon mula sa Tsina.
Malaking panganib sa kabuhayan at kaligtasan ang idudulot ng permanenteng baseng militar ng US sa Catanduanes. Maaaring matulad ang mga Catandunganon sa sinasapit ngayon ng mga Ivatan sa Batanes. Una, tiyak na mapapalayas ang mga magsasaka at mangingisdang namumuhay sa lugar na target paglagyan ng baseng nabal. Marami rin ang mawawalan ng kabuhayan kapag tiyak na ginamit ng mga sundalong Amerikano at Pilipino ang mga abakahan, sakahan, baybay at dagat para maglunsad ng mga wargames, ehersisyong militar at iba pang pagpapakitang-gilas.
Kailangang ipamalas ng mga Bikolano ang kanilang pagmamahal sa bayan at kapayapaan sa pagtutol na idamay ang Pilipinas sa imperyalistang digmaan ng US at Tsina. Dapat tayong kumilos para sa pagpapalayas ng mga tropang militar ng Amerikano, paglalansag sa kanilang mga baseng militar at pagbasura sa mga hindi pantay na kasunduang militar sa pagitan ng US na yumuyurak sa soberanya ng bansa.
Hindi kailangang magpakontrol sa Amerika para labanan ang pang-aangkin ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas. Maraming mapayapang paraang dapat igiit ng Pilipinas para maresolba ang sigalot nito sa Tsina mula pakikipagnegosasyon, internasyunal na diplomasya at paglikom ng pinakamalapad na suportang internasyunal sa batayan ng ating lehitimo at kinikilalang soberanong karapatan sa West Philippine Sea.
Isa lang ang digmaang dapat na tahakin ng mamamayang Bikolano: ang armadong rebolusyonaryong digma para makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Ito lamang ang paraan para makaligtas ang bansa na masangkot sa mga dayuhang gera at para maabot ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.
https://philippinerevolution.nu/statements/pakikiisa-ng-mga-masbatenyo-laban-sa-pagtatayo-ng-baseng-nabal-sa-catanduanes/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.