Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
February 23, 2024
Sunud-sunod na mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa Masbate sa unang bahagi ng 2024 matapos ang panibagong deklarasyon ng rehimeng US-Marcos na durugin ang NPA bago matapos ang taon.
Karamihan sa mga biktima’y mga magsasaka sang-ayon sa nagpapatuloy na kampanya ni Marcos at lokal na tuta tulad ni Gov. Antonio T. Kho na kamkamin ang libu-libong ektarya ng lupa sa prubinsya. Tampok dito ang pagpatay ng mga elemento ng 2nd IBPA sa matandang mag-asawang sina Pedro (78 anyos) at Florencia (67 anyos) Regala sa Barangay Tuboran, bayan ng Cawayan noong Pebrero 5.
Ang mag-asawa ay mga magsasaka sa lupaing Triple A na matagal nang pakay ni Gov. Kho na makamkam para sa kanyang interes sa rantso.
Ilan pa sa mga naitalang kaso ng abusong militar mula Enero hanggang ikatlong linggo ng Pebrero
• Enero 6–iligal na inaresto ang limang (5) sibilyan na nakilalang sina Elorde Bravante, Gerry Lomontod, Ma. Veronica Bacunawa, Romeo Bauso at Julito Jara mula sa iba’t ibang mga bayan sa prubinsya;
• Enero 29, 2024–naghasik ng terorismo ang mga elemento ng CAFGU sa pangunguna ng militar na si Sgt. Ramos sa mga komunidad na sumasaklaw sa Hacienda Mortuegue sa bayan ng Pio V. Corpuz at Esperanza. Sa bayan ng Pio V. Corpus, binugbog at ninakawan ng alagang manok si Johnny Compuesto sa Barangay Labigan habang sinalakay ang tahanan ni Ruel Menchavez sa Barangay Tubog. Sa Barangay Tawad, bayan ng Esperanza, ninakawan sina Inday Canete at Ruben Menchavez habang nakaranas ng pananakit sina Cadong Mendoza at Wilyn Menchavez.
• Enero 29-30, 2024–Sa Sityo Malapinggan, Barangay Sawmill, bayan ng Mobo, pinaputukan ng ilang element ng 96th MICO ang mga residenteng nangahas magkopra sa niyugang inagaw ng militar sa Sityo Malapinggan, hangganan ng Barangay San Jose, Uson at Barangay Sawmill, bayan ng Mobo. Walang habas na nagpaputok ang militar sa kabila ng pagmamakaawa ng mga residente, laluna si Edna Lalaguna Masamoc na may anak na may sakit sa puso. Napilitang umalis ang pamilya ni Masamoc sa kanilang tahanan papunta sa sentrong baryo. Pagbalik ng pamilya kinabukasan ay nadatnan nila ang kanilang tahanang niransak at ninakawan ng naturang mga elemento ng militar na nakilalang sina Christian Adi, Joker Adi at Nonoy Halog.
• Pebrero 2024–binantaan ng militar ang aplikante sa pagkaguro na si Ganggang Rodina na pagkakaitan ng teaching items kung tatangging maging asset ng kaaway. Si Rodina ay residente ng Barangay Liong, bayan ng Cataingan.
s
Ayon ky Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate, titiyakin ng NPA-Masbate na sasamahan ang mamamayang Masbatenyo sa pagkakamit ng hustisya laban sa walang awat na terorismo ng militar. Panata ng NPA-Masbate na paigtingin ang armadong paglaban upang panagutin ang AFP-PNP-CAFGU at kanilang mga kumander tulad nina Gov. Kho at Marcos Jr. sa kanilang mga krimen sa mga Masbatenyo.
https://philippinerevolution.nu/statements/pinatinding-gera-kontra-magsasaka-sa-masbate-sa-ilalim-ng-deklarasyon-ni-marcos-jr-na-pagdurog-sa-npa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.