Florencio Baluga
Spokesperson
NPA-Abra (Agustin Begnalen Command)
Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command)
New People's Army
October 17, 2023
Mga paglabag sa mga Karapatan Pantao. Dito magaling ang terorista at pasistang AFP bilang mersenaryong tropa ng reaksyonaryong gobyerno. Bilang protektor ng Rehimeng US-Marcos Jr at kasapakat ng mga naghaharing uring, sunod-sunod at nagpapatuloy ang mga operasyong militar sa mga kagubatan at nagpapatuloy din ang okupasyon ng mga teroristang sundalo sa mga baryo. Ang bagong pangyayaring kabangisan ng AFP ay ang pagpatay nito sa isang sibilyan na si Tandang Agliwan, magsasaka, mangangaso at isang senior citizen na taga Sitio Talipugo, Barangay Buneg, Lacub, nitong buwan ng Oktubre 2023. Brutal ang pagpaslang at may mga palatandaan ng pag-torture sa kanya.
Ang pagpatay ng teroristang AFP kay Tandang Agliwan ay isang kasuklam-suklam na kasinungalingang pinalabas ng 77th IB sa Philippine Daily Inquirer, Manila Times at Cordillera Guru Press nung Oktobre 13 na siya daw ay isang NPA pero di nila pinangalanan. Sa pamamagitan ng kasinungalingang ito ay may lagyunin ang mga pasistang kaaway ng bayan na ipalabas na natatalo na daw ang NPA upang ilingid ang kanilang krimen na mga gawain laban sa mamamayan.
Mataas na antas ang galit ng mamamayan ng Abra, lalu na ang mga kamag-anak at katribung Tinggian laban sa mga AFP na pumatay kay Tandang Agliwan. Nakikipagdalamhati ang Agustin Begnalen Command-NPA Abra sa nakangingitngit na pangyayaring ito.
Isang simple, matiyaga at masipag ng magsasaka at mangangaso si Agliwan. Bahagi ng pangaraw-araw na kabuhayan niya ang pagsasaka at pangangaso sa kagubatan. Ang pagpatay sa kanya ay palatandaan ng kawalan ng respeto sa mga sibilyan at walang pagsunod ang AFP sa patakaran ng digma.
Ang nangyari kay Tandang Agliwan ay kapareho sa krimen na pagpatay ng Bonnet Gang na AFP sa dalawang sibilyan sa Sitio Sap-al, Barangay Buneg nung taong 2005 at sa pagmasaker ng mga teroristang sundalo sa pamilya Ligiw noong March 2014. Mula 2019 nung idineklara ng AFP ang Abra bilang isa sa mga erya ng Focused Military Operation nila, mas lalung dumami ang mga paglabag sa mga karapatang pangtao. Binaril nila ang tatlong kabataan sa Barangay Lan-ag, Lacub nung 2020 at limang sibilyan na mangangaso sa Barangay Buneg, Lacub nung 2022. Pero lahat ng mga itong paglabag ay di inamin ng AFP na sila ang mga salarin at patuloy na gumagamit sila ng pananakot at dahas para patahimikin ang laban ng mamamayan.
Ibinuhos sa Abra ang tatlong batalyon: ang 24th, 102nd at 77th.Mga ito ang nagdala at patuloy na gumagawa ng malawakang pananakot sa mga masa, gulo sa mga komunidad at pagkabagabag sa kabuhayan ng mga sibilyan.
Pilit na nilang pinasurender ang mga mamamayan sa mga bayan ng Lacub, Sallapadan, Malibcong, Tubo at iba pang munisipalidad ng Abra. Isinasagawa ng mga teroristang AFP ang RCSP sa maraming mga barangay. Pilit din nilang pinagigiya at tinortyur ang iba. Niransak nila ang mga kamalig at kubo na pinagsuspetsahan nilang imbakan ng mga baril ng NPA. Iligal nilang inaresto mga suspek nilang sumusuporta sa NPA. Na-red tag nila ang mga legal at tradisyunal na organisasyon at kahit mga alluyon (bayanihan) ng mamamayan.
Dahil sa kanilang presensya, sobrang apektado ang pangkabuhayan ng masa. Nalilimitahan ang kilos ng mamamayan para sana malaya silang magtrabaho para sa pangkabuhayan. Iniiwasan ng mga sibilyan na lumibot sa mga parang at mangaso sa kagubatan dahil sa takot nilang masalubong ang mga kontra-mamamayang AFP na nagsasagawa ng patuloy ng operasyong pangkombat.
Puno ng panlilinlang at korapsyon ang mga proyekto na inagaw ng mga pasistang AFP sa mga LGU. Kaya, pinalala nila ang pang-ekonomikong krisis lalu noong panahon ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad tulad ng mga lindol, bagyo at tagtuyot.
Wala na nga silang ginagawang mabuti para sa bayan, ginugulo pa nila ang pagkakaisa ng mamamayan. Malakas ang pagmamalabis nila na may malaking negatibong epekto at impluwensya sa kawalan ng disiplina sa mga kabataan. Pinagsasamantalahan nila ang mga kababaihan at di nila pinapakinggan ang kahilingan at assersyon ng mamamayan na dapat di manatili ang mga teroristang AFP sa mga baryo.
Mga kababayang Abreño, hwag nating pahintulutan at labanan ang mga ginagawa ng teroristang AFP. Ang doktrina nila ay abusihin at patayin ang mga sibilyan. Pinalaki ng reaksyonaryong gobyerno ang suweldo nila mula sa buwis at pagud ng masang Pilipino upang walang awang pumatay ng mga sibilyan. Di na mabilang ang mga krimen nila sa bawat bayan. Kaya, huwag tayong manahimik; huwag tayong matakot. Dapat lang na di pahintulutan na tuloy-tuloy na winawasak nila ang mga teritoryo ninyo habang sa bawat operasyong pangkombat nila ay ipinagbabawal nila kayo sa sarili ninyong kagubatan, ilog, kaingin o uma at bukid. Dapat huwag malinlang sa mga “matatamis” na programa ng reaksyonaryong gobyerno tulad ng RCSP, 4Ps, BDP at iba pa kung saan di naman nagsisilbi ang mga ito para sa epektibong pagresolba sa mga ugat ng pagsasamantala at paniniil kung saan walang ibang ugat ng mga ito kundi ang batayang problema ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, at espesyal na suliranin ng pambansang minorya na pambansang pang-aapi dito sa Abra at buong Cordillera.
Alalahanin at huwag kalimutan ang kagitingan at katapangan na katangian ng Tingguian na ating pinagmulan. Sa kasaysayan, nakita natin ang kagitingan at katapangan ng Tingguian sa epektibong paglaban sa pambansang pang-aapi at depensahan ang ansestral na lupain, buhay at mayamang rekurso ng Abra. Sa partikular, matagumpay na napatigil ng mamamayang Tingguian ang higanteng proyektong Cellophil noon. Makamit natin muli ang mga tagumpay na ito sa pamamagitan ng pagsampa ng maraming pulang mandirigma at patuloy na partisipasyon ng mamamayan sa armadong kilosan upang mapatigil ang mapanirang mga proyekto dito sa ating probinsya. Dapat ipagpatuloy ng mamamayang lumalaban ang pagpaparusa sa mga kaaway na uri.
Ipaglaban at kamtin ang Hustisya!Gawin nating aral ang nangyari kay Tandang Agliwan upang tipunin ang lakas ng masa sa buong Abra. Hamon ito para sa ABC-NPA Abra, kasama ang mamamayan, na isulong ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga pulang mandirigma na lalahok sa paglaban sa mga armadong terorista na tropa ng reaksyonaryong gobyerno upang makamit ang hustisya para kay Tandang Agliwan at para sa lahat ng masang inaapi at pinagsasamantahan.
Militarisasyon Labanan!
Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang alaala kay Tandang Agliwan!
https://philippinerevolution.nu/statements/hustisya-para-kay-tandang-agliwan-itigil-ang-okupasyon-ng-terorista-at-pasistang-afp-sa-abra/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.