Monday, July 24, 2023

CPP/NPA-Southern Tagalog ROC: Paghahasik ng teror ng 203rd Brigade, pasakalye ng papasidhing pandarambong at pangangamkam ng lupa sa Mindoro

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 23, 2023): Paghahasik ng teror ng 203rd Brigade, pasakalye ng papasidhing pandarambong at pangangamkam ng lupa sa Mindoro (Sowing terror by the 203rd Brigade, rampant looting and land grabbing in Mindoro)
 


Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

July 24, 2023

Dapat pagbayarin nang mahal ang mga pasistang tropa at mga opisyal ng 203rd Brigade sa mga kaso ng brutalidad at paglabag sa karapatang-tao na naganap kamakailan sa Mansalay, Oriental Mindoro at noong Mayo sa Rizal, Occidental Mindoro. Nagmula sa pambansang minorya ang mga biktima na pawang iniuugnay ng mga militar sa rebolusyonaryong kilusan. Bahagi ang nagpapatuloy na pang-aatake sa mga komunidad ng paghahanda ng AFP-PNP para papasukin ang mga proyektong tinututulan ng mamamayan sa mga nasabing lugar.

Sa Mansalay, pinangangambahan ang mga proyektong quarry at huwad na reforestation sa pamamagitan ng National Greening Program. Noong nakaraang taon, inamyendahan ng Sangguniang Panlalawigan ang 25-taong moratorium sa mina ng probinsya para payagan ang pagkuha ng armour rocks na sangkap sa paggawa ng semento. Nagkaroon din ng mga pulong ang DENR sa mga pamayanan sa kabundukan kung saan inabisuhan ang mga katutubo, magsasaka at setler na “itigil ang pagkakaingin” dahil magpapatanim umano rito ng hardwood.

Kasabay ng mga gayong aktibidad ang tuluy-tuloy na FMO-RCSPO sa Barangay Panaytayan, ang pinakamalaking barangay sa Mansalay. Naging sentro ito ng kampanyang panunupil at kasalukuyang hinahalihaw ng dalawang kumpanyang pwersa ng 4th IB, RMFB-4B at PNP-Special Action Battalion. Noong Hulyo 13, dinukot at tinortyur ng mga pwersa ng estado si Pedro Ambad, isang Hanunuo-Mangyan sa Sityo Kilapnit ng nasabing barangay. Dinakip ng 4th IB ang biktima habang nagtatrabaho siya sa kanyang lupa noong tanghali at pinakawalan lamang matapos ang 12 oras na iligal na detensyon. Sa panahong iyon, walang awa siyang binugbog at paulit-ulit na ininteroga hinggil sa mga itinago umanong “armas ng NPA”. Nagresulta ito sa pagkabali ng tadyang ni Pedro.

Pagdating ng Hulyo 16, pinasok naman ng mga militar ang bahay ng kapatid ni Pedro na si Admiraw Ambad sa parehong sityo. Mabuti lamang at hindi nasumpungan ng mga berdugo si Admiraw dahil tulad ni Pedro, pinararatangan din siyang “tagasuporta ng NPA”.

Samantala, patuloy ang pandarahas sa mga residente sa bulubundukin at ilang bahagi ng kapatagan ng Rizal na masasaklaw ng Tamaraw Reservation and Expansion Project (TREP). Inulat ng NPA Mindoro ang kaso ng iligal na pang-aaresto, imbestigasyon at tortyur ng 68th IB sa apat na katutubong Buhid na hinuli sa tsekpoynt sa Brgy Manoot noong Mayo 23. Pinwersa ang mga inaresto na sumama sa isang operasyong militar kung saan muling nanghuli ng sibilyan ang 68th IB. Nagpalit-palitan ang mga pasista sa pambubugbog sa sibilyan. Hayok na hayok sa karahasan, dinakip din ng mga ito ang isa pang Buhid na nakasalubong lamang sa daan. Kinaladkad siya sa magubat na lugar at doon tinortyur.

Ang ganitong mga insidente ng karahasan ay hindi maaaring ihiwalay sa presyur na ginagawa ng LGU sa Barangay Manoot at mga katabing baryo. Naglagay na ng mga bakod at signage na nagbabawal sa sinumang magsagawa rito ng mga aktibidad na walang pahintulot ng gubyerno. Nagkaroon din ng mga papulong ang LGU sa mga kinatawan ng mga pamayanang minorya para kunin ang kanilang pag-sang-ayon sa pagmimina ng natural gas, na kataka-takang nasa mga lugar na saklaw ng TREP. Dahil dito pinagdududahan ang TREP na tabing lamang para sa mapanirang proyekto ng mina. Matatandaang aprubado ng reaksyunaryong gubyerno ang aplikasyon sa mina ng Pitkin Petroleum sa isla ng Mindoro.

Nagsisilbi ang terorismong inihahasik ng AFP-PNP sa isla sa imbing hangarin ng lokal na naghaharing uri, dayuhang kapitalista at ng mismong reaksyunaryong rehimen na agawan ng lupa ang masang Mindoreño. Laos nang katwiran ang paggamit sa kontra-rebolusyonaryong gera bilang batayan ng pang-aatake sa mga komunidad at sibilyan. Wala naman silang target na NPA sa mga operasyon, bagkus, ang tunay nilang layunin ay sindakin ang mga katutubo’t magsasakang lumalaban para manatili sa at magbungkal ng kanilang lupa. Sa ganito, lalong kasuklam-suklam ang mga berdugong militar na sumusunod sa mga pasistang atas sa ngalan ng kakarampot na salapi.

Nananawagan ang MGC sa masang Mindoreño na tumindig at makibaka para sa kanilang karapatan. Buuin ang pagkakaisa ng iba’t ibang sityo at maging sa pagitan ng mga katutubo at di-katutubo. Sama-samang kumilos upang itaboy ang mga pasistang tropa ng AFP-PNP at ang mga mapangwasak sa kabuhayang mga negosyo’t proyektong pinoprotektahan nila.

Para sa mga nagnanais magtanggol sa sarili at kanilang kapwa, hinihikayat kayong sumapi sa NPA at armadong labanan ang pasistang estado. Kallangang lumahok ang pinakamaraming mamamayan sa demokratikong rebolusyon ng bayan upang ibagsak ang mga mapaniil at gahamang nang-aapi sa ating mahihirap at sa buong bayan.###

https://philippinerevolution.nu/statements/paghahasik-ng-teror-ng-203rd-brigade-pasakalye-ng-papasidhing-pandarambong-at-pangangamkam-ng-lupa-sa-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.