Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
July 19, 2023
Mariing nananawagan ang NDFP-ST ng hustisya sa unang taong paggunita sa pagpaslang ng 59th IB sa 9-taong gulang na si Kyllene Casao at magsasakang si Maximino Digno sa Batangas. Napakalaking sugat ang iniwan ng krimen na ito sa mamamayan ng Timog Katagalugan, lalo sa kanilang mga naulilang pamilya at komunidad. Hindi ito magsisimulang maghilom hangga’t malaya at hindi naparurusahan ang mga berdugong salarin dito.
Si Kyllene at Maximino ay mga inosenteng sibilyan na pinaslang ng pasistang 59th IB sa magkahiwalay na insidente. Namatay ang batang biktima sa walang patumanggang pamamaril ng mga elemento ng 59th IB sa Sitio Centro, Barangay Guinhawa, Taysan noong Hulyo 18. Binaril si Kyllene at kanyang ama na noo’y pauwi mula sa pag-uula ng kambing. Pinatunayan ng mga saksi na nagmakaawa ang ama ni Kyllene na sila’y mga sibilyan subalit hindi tumigil ang mga berdugo sa pamumutok sa kanilang direksyon.
Hulyo 26 naman nang patayin ng militar si Maximino, isang magsasakang may kapansanan sa pag-iisip, sa Barangay Cahil, Calaca. Natagpuan siyang walang buhay sa sariling lupain matapos iulat ng kaanak na halos buong araw na nawawala. Walang puso ang mga sundalo na pinakete ang biktima bilang isang NPA na namatay sa isang engkwentro. Agad itong pinasubalian ng kanyang pamilya, komunidad at ng inilunsad na imbestigasyon.
Nakagagalit na sa kabila ng independyenteng imbestigasyon at estabilisadong pananagutan ng 59th IB ay hindi pa rin pinarurusahan ang mga hayop na sundalo. Matapos ang mga krimen, kagyat na hiniling ng pamayanan at mamamayang nagmamahal sa kapayapaan tulad ng mga taong simbahan na paalisin ang 59th IB sa lugar subalit lalo pang naging mabagsik ang pasistang tropa sa pamumuno ni Commanding Officer Ernesto Teneza. Inatake ng AFP-PNP pati ang mga tagapagtanggol ng karapatang tao na nag-imbestiga sa dalawang kaso at siniraan ang iba pang mga grupong nais ilahad ang katotohanan sa pangyayari.
Malinaw ang pananagutan ng 59th IB sa sinapit nina Kyllene at Maximino. May pananagutan din ang Commission on Human Rights, Civil Service Commission, Department of Justice at iba pang sangay ng reaksyunaryong gubyerno sa kabiguan nitong gumawa ng kongkretong hakbang laban sa mga berdugo. Nananatiling nasa serbisyo ang mga sundalong sangkot sa pagpatay kina Kyllene at Maximino at hindi pinananagot sa kanilang krimen. Binabatikos namin ang 59th IB sa patuloy na pananakot sa pamilya ng mga biktima at pandarahas sa mga tagapagtanggol ng karapatang tao.
Ang kawalan ng hustisya ay tanda ng nagnanaknak na kultura ng impyunidad sa bansa. Sa unang taon pa nga lang ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte, nasa 97 ang kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang. Hindi binibigyang katarungan ang mga biktima nito tulad ng pamilya Fausto na minasaker sa Negros noong Hunyo 14 dahil pinatay sila ng AFP-PNP, ang pinakapinapaboran at binubusog na mersenaryong hukbo ng gahamang naghaharing uri at imperyalismo. Nariyan ang reaksyunaryong gubyerno upang laging ipagtanggol ang mga sundalo’t pulis, sukdulang baluktutin ang sarili nilang reaksyunaryong batas. Ang mas masakit, ginagawaran pa ng promosyon at pabuya ang mga mamamatay-tao na bulag na sumusunod sa atas na supilin ang lahat ng mamamayang lumalaban
Itinutulak at binibigyang katwiran ng bulok na kaayusang ito ang paglaban hanggang paghawak ng sandata ng mga magsasaka, manggagawa, at iba pang aping uri’t sektor sa balangkas ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Magpupunyagi ang rebolusyonaryong mamamayan sa digmang bayan para bigyang katarungan sina Kyllene, Maximino at lahat ng biktima ng teroristang estado.
https://philippinerevolution.nu/statements/hustisya-para-kay-kyllene-casao-maximino-digno-at-lahat-ng-biktima-ng-teroristang-estado/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.