Wednesday, December 28, 2022

CPP/NDF-Ilocos: Tugon ng NDF-Ilocos sa isinusulong ng AFP na localized peace talks ngayong ika-54 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Dec 26, 2022): Tugon ng NDF-Ilocos sa isinusulong ng AFP na localized peace talks ngayong ika-54 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (NDF-Ilocos response to AFP's push for localized peace talks this 54th anniversary of the Communist Party of the Philippines)
 


Rosa Guidon
Spokesperson
NDF-Ilocos
National Democratic Front of the Philippines

December 26, 2022

Mariing tinutuligsa at hindi kailanman papasok sa localized peace talks ang NDF-Ilocos na ipinapanawagan ng AFP ngayong ika-54 na anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Gusto nilang isa-isahing kausapin ang mga yunit ng NDF na nakalatag sa iba’t ibang rehiyon upang mailihis o mabali ang sentro at substansya ng usapang pangkapayapaan na pag-ugat sa armadong tunggalian,- na ito ay ang pamamayani ng monopolyo sa lupa at kawalan ng pambansang industriya na siyang sanhi ng di nareresolbang kahirapan sa bansa. Hindi pupuwedeng lokalisado ang peace talks dahil saanmang panig ng bansa, ang ugat ng kahirapan ng mamamayan ay ang kawalan ng lupa at sariling industriya – na mareresolba lamang sa pagbubuo ng kumprehensibo at pambansang programa para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Ang local peace talks ay iskema ng reaksyunaryong GRP at AFP upang hati-hatiin at buwagin ang konsolidadong pambansang organisasyon ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng pagpapasuko sa mga puwersa nito sa mga lokalidad, na siyang agenda nila sa local peace talks.

Paulit-ulit na ipinagyayabang ng 702nd IBPA na noon pang 2010 ay nabuwag na ang CPP-NPA-NDF sa Ilocos at resolbado na ang suliranin sa insurhensiya sa rehiyon. Sa kabila nito ay nananawagan pa rin sila ng local peace talks at pagpapasuko. Ibig bang sabihin nito na hindi din sila naniniwala na buwag na ito sa region, o kinikilala pa rin nilang malakas ito at bakit nila ito hinihimok sa peace talks?

https://philippinerevolution.nu/statements/tugon-ng-ndf-ilocos-sa-isinusulong-ng-afp-na-localized-peace-talks-ngayong-ika-54-anibersaryo-ng-partido-komunista-ng-pilipinas/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.