From Kalinaw News (Nov 25, 2022): 5 Miyembro ng NPA, Sumuko at Nagbalik-loob sa Gobyerno ( 5 Members of the NPA Surrendered and Converted to the Government) (By Erwin Pagay)
Mabalodbalod, Tigaon, Camarines Sur -Pormal ng tinanggap ng himpilan ng 83IB sa pamumuno ni LTC RODITO A GOTLADERA, Acting Battalion Commander kasama ang 902nd Brigade na pinamuan ni COL EDMUNDO G PERALTA, Brigade Commander at ni Ms. Marilyn Llamas Niebres, Social Welfare 2 ng Provincial Social Welfare & Development Office ang limang (5) rebelde para sa pagbabagong buhay, ngayong Nobyembre 24, 2022, alas 2:00 ng hapon.
Kasabay sa pagsuko ng limang (5) rebelde ang pagsusumite ng tatlong (3) Improvise Explosive devices (IEDs), dalawang (2) M16 rifle, apatnapong (40) 5.56mm ammunitions, isang(1) steel short magazine, isang (1) plastic magazine, isang (1) long plastic magazine at isang (1) NPA Flag. Ayon sa mga dating rebelde, nagpasya silang bumalik sa lipunan dahil sa malawakang pagsasagawa ng Community Support Program sa lugar na kanilang ginagalawan. Sa kabilang banda, sinabi ng limang surrenderees na nag-ooperate sila sa Partido Area. Nagpasya silang sumuko dahil na rin sa pagod, gutom, takot at kahirapang dinaranas sa loob ng kilusan.
Matatandaan na nagkaroon ng engkwentro noong Oktobre 26, 2022 sa Sitio Bagasbas, Brgy Del Pilar, Garchitorena, Camarines Sur na nagresulta ng pagkasawi ng dalawang kinikilalang myembro ng teroristang NPA. Dahil dito, napagtanto nila na ang buhay sa loob ng organisasyon ng CPP-NPA ay puno ng kasinungalingan. Lubos nilang naisip na ang pagsali sa nasabing organisasyon ay isang pag-aaksaya ng oras at mapanganib sa kanilang mga pamilya.
Nakatanggap naman ang limang (5) dating rebelde ng paunang “Cash Assistance at foodpacks” mula sa pamunuan ng 83IB at sila ngayon ay pormal ng benepisyaryo ng E-CLIP assistance mula sa pamahalaan. Layunin nitong makapagsimula at matulungan sila para sa panibagong buhay.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si LTC GOTLADERA, sa limang (5) rebelde na kapagisip na magbalik loob sa ating pamahalaan. Ayon din sa kanya, lalo pangpapaigtingin ang magandang pakikipag-ugnayan ng mga sundalo at sibilyan sa mga liblib na lugar upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan hindi lamang sa Partido area bagkus sa buong probinsya ng Camarines Sur at sa pagpapatibay ng Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict o BTF-ELCAC. Panawagan din nya sa mga natitira pang mga kasapi ng terorista grupo na huwag sayangin ang kanilang buhay sa maling idelohiyang ipinaglalaban at bukas ang ating pamahalaan upang yakapin ang mga kapatid nating nalinlang ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
https://www.kalinawnews.com/5-miyembro-ng-npa-sumuko-at-nagbalik-loob-sa-gobyerno/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.