April 09, 2022
Binatikos ni Marco Valbuena, hepe sa impormasyon ng PKP, ang 1st Special Forces Battalion sa agarang pag-cremate (pagsunog hanggang maabo) noong Abril 7 sa apat na bangkay ng umano’y mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay sa sinasabing engkwentro sa Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon. Ang apat ay pinangalanan ng militar na sina sina Carlisio D. Sumalinog, Jovilito D. Pontillas, Gary I. Juliana, and Jelly A. Sugnot. Nasawi diumano sila sa isang engkwentro noong Abril 6.
Ayon kay Valbuena, kaso ng desecration o paglapastangan sa mga labi ang ginawa ng AFP na tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas. Itinuturing na paglapastangan ang pagsunog sa bangkay ng mga nasawi sa labanan o ng mga napatay habang nasa kustodiya ng kaaway. Ani Valbuena, dapat ipinaalam muna sa mga pamilya ng mga biktima ang pagkakapaslang at ipinasa o kahit ipinakita man lamang ang mga bangkay na hawak nila.
Naniniwala si Valbuena na ang pagmamadali na i-cremate ang mga bangkay ay may layuning magtago ng krimen. Inihalintulad niya pagsunog sa naturang mga bangkay ay “katulad ito ng pag-cremate sa bangkay ni Ka Oris (Jorge Madlos) at kanyang kasama sa tabing ng pagsunod sa mga alituntunin sa Covid-19, para lamang umiwas na maeksamen ng independyenteng pathologist,” sabi pa ni Valbuena. Ang pathologist ang tawag sa eskperto na umeeksamen sa mga bangkay upang tukuyin ang sanhi ng pagkamatay.
Sinisikap pa namin na makakuha ng dagdag na impormasyon, pahayag ni Valbuena. Kasabay nito ay hinimok niya ang mga organisasyong makatao at sa karapatang tao, gayundin ang midya na magsagawa ng kanilang independyenteng imbestigasyon sa mga pangyayari kaugnay ng pagkamatay ng mga biktima ng militar.
Ayon kay Valbuena, may dahilan para sabihin na nag-iimbento na naman ang AFP ng kuwento tungkol sa diumano’y pagkamatay ng apat. “Malayong mangyari na magkakasamang namatay sa isang armadong labanan ang diumano’y mga lider ng BHB sa lugar,” paglilinaw niya.
Duda rin si Valbuena na ang 16 na armas ay “nasamsam” ng AFP. Ikinumpara ni Valbuena ang insidente sa inimbentong engkwentro ng 10th ID upang palabasin na mga myembro ng BHB na namatay sa labanan ang aktibistang si Chad Booc at mga kasamahan niya noong Pebrero.
Nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mga independyenteng organisasyong makatao at nagtataguyod sa karapatang-tao na magsagawa ng imbestigasyon sa “engkwentro” na ito, katulad ng iba pang “engkwentro” kung saan mga sibilyan o mga mandirigmang wala nang kakayahang lumaban ang pinaslang ng militar.
https://cpp.ph/angbayan/pagsunog-sa-bangkay-ng-diumanoy-pulang-mandirigma-sa-bukidnon-labag-sa-batas-ng-digma-pkp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.