Monday, March 28, 2022

CPP/NPA-Southern Tagalog ROC: Pagpupugay sa NPA-Rizal: 2 patay, 2 sugatan sa ambus sa 80th IBPA!

Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 27, 2022): Pagpupugay sa NPA-Rizal: 2 patay, 2 sugatan sa ambus sa 80th IBPA! (Tribute to NPA-Rizal: 2 dead, 2 injured in 80th IBPA ambush!)



Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

March 27, 2022

Nagpupugay ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog at ang mamamayan ng rehiyon sa matagumpay na ambus ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC)-NPA Rizal sa mga elemento ng 80th IBPA sa Maugraw, Sitio Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal kahapon, Marso 26, bandang 7:52 ng umaga. Tinambangan ng isang yunit ng NAAC ang 80th IBPA malapit sa kampo nito sa Maugraw. Dalawa ang napatay at dalawa ang nasugatan sa opensiba ng NPA Rizal habang walang natamong kaswalti sa hanay ng mga Pulang mandirigma.

Naisagawa ang aksyong militar sa gitna ng matinding operasyon ng AFP-PNP sa Rizal at sa buong Timog Katagalugan. Bigwas ito sa hibang na pangarap ng rehimeng Duterte at AFP-PNP na lipulin ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon at buong bansa. Hindi pagagapi ang NPA lalo’t inspirasyon nito ang pinaglilingkurang masang Pilipino.

Ang tagumpay ng taktikal na opensiba sa Rizal ay ibinunga ng mahigpit na pagtutulungan ng NPA at malawak na hanay ng masa. Malaon nang hinihiling ng mamamayan ng Rizal na parusahan ang berdugong 80th IBPA at iba pang pwersa ng AFP-PNP na naghahasik ng pasismo at terorismo sa probinsya. Mahaba at madugo ang rekord ng AFP-PNP sa mamamayan ng Rizal na nagresulta sa dumaraming kaso ng paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng rehimeng Duterte. Nitong Marso 23, dinukot si Rene Villarama, isang katutubong Dumagat sa Brgy. Puray, at dinala sa kampo sa Baras, Rizal. Maaalalang noong Marso 7 ng nakaraang taon, kabilang sa siyam na aktibistang pinaslang sa Bloody Sunday ang mga taga-Rizal na sina Abner at Edward Mendoza, mga residente ng Brgy. Puray, sina Mark Lee Bacasno at Michael Dasigao, mga kasapi ng San Isidro Kasiglahan, Kapatiran, at Damayan para sa Kabuhayan, Katarungan at Kapayapaan (SIKKAD K3) at dalawang Dumagat na sina Puroy at Randy “Pulong” Pineda Dela Cruz. Noong Disyembre 2020 naman naganap ang masaker sa Baras 5 kung saan pinaslang ng 202nd Brigade at PNP-Rizal ang limang sibilyan sa Brgy. San Jose na sina Vilma Salabao, Wesley Obmerga, Carlito Zonio, Jonathan Alberga at Niño Alberga na pawang mga caretaker at security guard sa isang pribadong mango farm.

Kailangang ipagpatuloy ng mga yunit sa ilalim ng MGC-NPA ST ang paglulunsad ng mga opensiba laban sa AFP-PNP. Parusahan ang mga pasista sa kanilang inutang na dugo sa bayan. Ang NPA at ang buong rebolusyonaryong kilusan ang tanging masasaligan ng sambayanan upang makamit ang hustisya sa mga krimen ng AFP-PNP at rehimeng Duterte.

Nararapat na higit pang itaas ang antas ng digmang bayan at isagawa ang paparaming taktikal na opensiba laban sa AFP-PNP, mga pusakal na kriminal at tunay na instrumento ng pasismo at terorismo ng estado. Pahinain ang armadong pwersa ng estado upang maagaw ang kapangyarihan at itayo ang tunay na gubyernong naglilingkod sa mamamayan.###

https://cpp.ph/statements/pagpupugay-sa-npa-rizal-2-patay-2-sugatan-sa-ambus-sa-80th-ibpa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.