March 21, 2022
Isang malaking kahibangan at mapanlinlang na kasinungalingan ang paggigiit na walang naganap na masaker tulad ng insidenteng Jabidah sa ilalim ng batas militar ni Ferdinand Marcos Sr. Ito ang naging tugon ng mga Moro sa paulit-ulit na pagdedeklara ng mga reaksyunaryong maka-Marcos na gawa-gawa at panloloko lamang ang mga kwentong masaker laban sa mga Moro.
Nakikita nilang mahalagang gunitain ang mga ito habang papalapit ang eleksyon at muli na namang lumalapit ang mga pulitiko para kunin ang kanilang boto.
Isa sa gayong mga masaker ang tinaguriang Jabidah massacre kung saan pinatay ang 28 kabataang Moro matapos tumanggi sa utos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patayin ang kanilang kapwa Muslim para sakupin ang Sabah. Naganap ang masaker noong Marso 18, 1968 habang sinasanay sila sa isla ng Corregidor, Cavite City.
Kinikilala sa kasaysayan na ang Jabidah massacre ang naging mitsa ng armadong pakikibaka ng Moro National Liberation Front o MNLF na itinatag ni Prof. Nur Misuari noong 1969. Pero ang itinuturing ng mga Moro na pinakamarahas at pinakamalaking kaso ng masaker sa kanilang kasaysayan ay ang naganap sa Palimbang sa Sultan Kudarat noong Setyembre 24, 1974. Hanggang ngayon, sariwa sa alaala ng mga biktimang nakaligtas ang karumal-dumal na pangyayari at kalupitan na kanilang dinanas sa kamay ng pasistang pwersa ng estado.
“Tyempong madaling araw noon, at katatapos lamang ng ikaapat na araw ng aming taimtim na pag-oobserba ng Ramadan nang biglang pinaulanan kami ng mga bala ng kanyon ng militar,” salaysay ni Ama Amed, punong guro ng isang madrasah sanawi (eskwelahan ng hayskul) na nakapanayam ng Ang Bayan. “Ilang barangay sa aming bayan ang tinamaan sa pambobomba. Sumisigaw na ang mga tao sa sobrang takot, laluna ang mga bata at kababaihan. Wala na kaming nagawa kundi manalangin kay Allah.”
Tinedyer pa lamang si Ama Amed noon na nangangarap makapagtapos para makatulong sa kanyang mga kapwa Muslim. Nang lumusob ang mga sundalo, kabilang siya sa mga kabataang nakaligtas at nagtago sa gubat hanggang umalis ang mga sundalo. Gayunpaman, ilang myembro ng kanyang pamilya ang hindi nakaligtas.
“Pagkatapos ng pambobomba ay hindi pa nakuntento ang militar. Apat na batalyong pwersa ng AFP ang sumugod sa mga sibilyang komunidad at dinakip ang lahat ng mga taong kanilang naabutan. Pwersahang kinaladkad ang mga lalaki at ikinulong sa mosque ng Tacbil sa Barangay Malisbong.”
Ayon sa mga natipong salaysay ng mga biktimang nakaligtas, may 1,500 na kalalakihang edad 11 hanggang 70 taong gulang na ikinulong sa mosque ang pinatay ng mga pasista. May mga ulat na nagsasabing umabot sa 3,000 ang namatay sa iba’t-ibang mga insidente sa panahong iyon.
“Araw-araw ay may pinapalabas na grupong tig-10 o higit para patayin. Sila mismo ang pinapahukay ng kanilang libingan bago sila barilin ng mga sundalo. Kapag nagrereklamo ang mga bihag na nagugutom ay hinahagisan lamang sila ng kopra. Sapilitan silang pinaghuhubad at pinagagawa ng kalaswaan, bagay na itinuturing na mabigat na kasalanan kay Allah. Nilapastangan nila at niyurakan ang aming pagkatao at pagiging Muslim,” maluha-luhang inaalala ni Ama Amed ang brutal na karanasan.
Naitala rin na umabot sa 3,000 kababaihan at mga bata na may edad 9 hanggang 60 ang inaresto at ikinulong sa isang bodega sa baryo at sa mga barko ng militar. Mahigit 300 bahay ang sinunog ng mga pasista.
“Maraming kababaihan ang ginahasa ng mga sundalo. Maraming mga bata rin ang namatay sa sobrang gutom at hirap ng kanilang kalagayan.”
Nangyari ang masaker sa Palimbang dalawang taon matapos ideklara ng rehimeng Marcos ang batas militar noong Setyembre 21, 1972.
Ayon sa ilang impormasyon, pinangangambahan noon ng rehimeng Marcos na lalawak pa ang kilusan ng MNLF hindi lamang sa Palimbang at ibang bahagi ng Sultan Kudarat, kundi sa buong eryang saklaw ng noo’y Central Mindanao Command ng AFP. Idinahilan ng AFP na pakay umano nilang tugisin ang mga rebeldeng MNLF. Subalit ang inilunsad ng estado ay operasyong paglipol sa mamamayan ng Palimbang. Sa utos ng diktador, idinirihe ng mga heneral ng AFP ang pambobomba at pagmasaker sa mga sibilyang Moro. Kasama sa namuno sa pagpapatupad nito ang hinirang ni Marcos bilang gubernador noon ng Sultan Kudarat na si BGen. Gonzalo H. Siongco.
Bukod sa mga masaker ng Jabidah at Palimbang, hindi rin malilimutan ang masaker sa Manili noong 1971. Dito, umabot sa 70 mananampalataya ang pinatay sa loob ng kanilang mosque sa Barangay Manili sa bayan ng Carmen, North Cotabato. Naganap din sa taong iyon ang Tacub massacre na kumitil sa 40 sibilyang Moro. Pauwi ang naturang mga biktima matapos na nabigong makaboto sa ginanap na espesyal na eleksyon. Hinarang sila ng mga sundalo at pinagbabaril sa isang tsekpoynt sa bayan ng Tacub sa Lanao del Norte.
Sa buong panahon ng paghaharing militar ni Marcos ay nawasak ang maraming pamayanang Moro sa Mindanao, mahigit 200,000 ang kinitilan ng buhay at marami ang napilitang lumisan, kabilang na ang kalahating milyon na lumikas sa Sabah, Malaysia.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/03/21/pagbabalik-tanaw-sa-mga-masaker-sa-mga-moro-sa-panahon-ng-diktadurang-us-marcos/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.