Tuesday, February 1, 2022

CPP/NDF-Compatriots-Southern Tagalog: Mabuhay ang nakikibakang mangagawang Pilipino sa ibayong dagat! Mabuhay ang PKP!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 1, 2022): Mabuhay ang nakikibakang mangagawang Pilipino sa ibayong dagat! Mabuhay ang PKP! (Long live the struggling Filipino workers overseas! Long live the CPP!)



Compatriots-Southern Tagalog
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines

February 01, 2022

Pulang saludo para sa lahat ng kadre at kasapi ng Partido, mandirigma ng hukbong bayan at sa lahat ng martir ng rebolusyong Pilipino para sa walang-maliw na pagsuporta at pagbubuwis ng buhay para sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan sa gabay ng ating mahal na Partido Komunista ng Pilipinas. Nagpupugay ang Compatriots-NDF-ST para sa ika-53 anibersaryo ng PKP, 53 taong naging gabay para sa buhay at kamatayang pakikibaka ng sambayanang Pilipino para pabagsakin ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.

Sa 53 taong pag-iral ng Partido, patuloy ang paglakas nito hindi lang dito sa bansa kundi maging sa ibayong dagat na mahigpit na katuwang ang Compatriots sa paghawan ng landas para pagsilibihin sa rebolusyong Pilipino. Ibayong nagpapagal ang mga kasama sa ibayong dagat upang magtipon ng suportang materyal at pisikal na ambag para sa pagsusulong ng ating matagalang digmang bayan. Ang Compatriots sa Timog Katagalugan ay tinatangan ang tungkulin sa pagpapalakas ng gawaing internasyunal na pakikipagkaisa sa mga kapatid na Partido, mga unyon ng manggagawa at mga anti-imperyalistang organisasyon sa ibayong dagat.

Kagyat nating tungkulin ang nabubulok ng rehimeng US-Duterte, ibayong palakasin ang panawagan at pagkilos para patalsikin siya kasama ang kanyang kasapakat at hindi na dapat panalunin ang anak ng diktador, mandarambong at mamamatay-taong si Bongbong Marcos. Dapat silang ibasura dahil hanggang ngayon ay nasa kanilang kontrol pa rin ang mga nakaw na yaman at patuloy na pinakikinabangan. Dapat magkaisa ang mamamayan para itama ang baluktot na pagtalakay ng mga Marcos sa kasaysayan gamit ang mga troll at loyalistang Marcos at mga DDS. Dapat ding magkaisa ang sambayanang Pilipino para pwersahin ang mga Marcos na isauli ang kanilang lahat ng ninakaw at dinambong sa mamamayang Pilipino.

Sa kabila ng milya-milyang distansya mula sa lupang sinilangan ay buong pusong nanunumpa ang mga kasapi ng Compatriots sa rehiyon ng TK na magpatuloy para sa ating pakikibaka at dakilang tungkuling sa rebolusyong Pilipino. Walang pagsidlan ang kagalakan ng mga kasama sa pagdiriwang ng anibersaryo ng PKP, kaya sa ika-53 anibersaryo nito, sumusumpa ang mga kasama sa Compatriots na gagawin ang lahat ng kakayanan nito para sa pag-aambag na magsisilbi sa pagkumpleto ng mga rekisitos ng demokratiko rebolusyong bayan.

Muli, nagpupugay ang Compatriots-NDF-ST para sa ika-53 anibersaryo ng mahal nating Partido Komunista ng Pilipinas!

MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!

MABUHAY ANG NAKIKIBAKANG SAMBAYANANG PILIPINO!

https://cpp.ph/statements/mabuhay-ang-nakikibakang-mangagawang-pilipino-sa-ibayong-dagat-mabuhay-ang-mga-pkp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.