Ang artikulong ito ay may salin sa Bisaya
February 21, 2022
Espesyal na makabuluhang gunitain sa darating na mga araw ang Pag-aalsang Edsa, sa harap ng pagtatangka ng pamilyang Marcos, kasabwat ng naghaharing pangkating Duterte, na nakawin ang darating na halalan at iluklok ang mga sarili sa kapangyarihan. Tangan ang mga aral ng kasaysayan, dapat matatag na labanan ng sambayanan ang bulok na iskema ng tambalang Marcos-Duterte, habang nagpupunyagi sa pagbagtas sa rebolusyonaryong landas para ibagsak ang nagnanaknak na sistema kung saan umuusbong ang mga sagadsaring pasista at diktador, at naghahari ang mga mapagsamantala at mapang-api.
Ang pag-aalsa ng milyun-milyon sa Edsa at sa mga mayor na lansangan sa Kamaynilaan at buong bansa noong Pebrero 22-26, 1986 ay rurok ng 14-taong pagpupunyagi sa iba’t ibang larangan ng pakikibaka. Sa mga taon bago nito, walang humpay ang mga higanteng kilos masa, kasabay ng paglawak at paglakas ng armadong pakikibaka sa buong bansa sa pangunguna ng Partido at Bagong Hukbong Bayan. Binasag nito ang takot at tuluy-tuloy na niyanig ang diktadura.
Sa paggunita ngayong taon, muling ipaalala sa sambayanan, laluna sa mga kabataan, kung papaanong ginamit ni Marcos ang absolutong kapangyarihan para sa kanyang kapakinabangan, ng kanyang pamilya at mga kroni. Kung papaanong nabuhay sa luho at karangyaan si Imelda at kanilang mga anak. Kung papaanong ipinasara ang kongreso at mga korte, at siya ang naging tagagawa ng batas at hukom ng lahat. Kung papaanong binulok at ginamit ang militar at pulis sa madugong kampanya ng panunupil para sindakin at lumpuhin ang bayan. Kung papaanong minasaker ang mga magsasaka sa Culatingan, Palimbang, Daet, Sag-od, Escalante, Culasi at iba pang lugar. Kung papaanong binangkarote ang ekonomya at ibinaon ang Pilipinas sa utang. Kung papaanong tumindi ang iba’t ibang anyo ng pagsasamantala at pang-aapi, lumaganap ang disempleyo, sumirit ang presyo, nawalan ng halaga ang piso at lumubha ang kahirapan at kagutuman.
Ang Pag-aalsang Edsa ay pangkasaysayang paghukom ng sambayanang Pilipino laban sa diktadurang Marcos. Ang pagpapalayas sa mga Marcos sa Malacañang ay pagpapamalas ng bayan ng kanilang kapangyarihang halaw sa kanilang pagkakaisa at sama-samang pagkilos.
Taliwas sa pasya ng sambayanan noong 1986, nakabalik ang mga Marcos sa Pilipinas matapos ang ilang taon nang aregluhin at plantsahin ng imperyalismong US ang ribalan ng magkakatunggaling paksyon ng naghaharing uri sa layong patatagin ang paghahari ng neokolonyal na estado. Hindi naglaon, naibalik ang malalaking negosyo sa kamay nila Danding Cojuangco at iba pang malalaking kumprador at burukrata kapitalistang kroni ni Marcos. Malaking bahagi ng ilambilyong pisong nakaw na yaman ng mga Marcos ay nasa kanila pa ring kamay. Muling nakapwesto ang mga Marcos at Romualdez sa pulitika ng Ilocos at Leyte, at malaon sa kongreso at senado.
Gamit ang bilyun-bilyong pisong nakaw na yaman, nagpakalat ang mga Marcos ng disimpormasyon upang linlangin ang bayan gamit ang masmidya, social media, eskwelahan, simbahan at iba pang paraan. Binubura sa alaala ng bayan ang madilim na yugto sa kasaysayan ng bansa at nililikha ang ilusyon ng kaunlaran at kaginhawahan sa ilalim ng batas militar upang pagtakpan ang pandarambong at malalaking krimen ng diktadurang Marcos. Rurok ng panlilinlang ang ginawang pagpapalibing ni Duterte sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.
Alinsunod sa matagal nang ambisyon ng mga Marcos na makapanumbalik sa Malacañang, tumatakbo ngayon si Marcos Jr. bilang presidente, katimbang ang anak ni Duterte na si Sara Duterte-Carpio bilang bise. Mistulang walang pagkaubos ang nakaw na yamang ipinamumudmod nila ngayon sa kampanya upang palabasing mayroon silang malawak na suporta. Ginagamit ni Marcos Jr. ang islogan ng “pagkakaisa” upang isahan ang taumbayan at ibaon sa limot ang lahat ng krimen at kasalanan nila sa sambayanan.
Sa paggunita sa pag-aalsang Edsa, dapat determinadong ilantad, batikusin at puspusang labanan ang pambabaluktot ng pamilyang Marcos sa pangkasaysayang katotohanan. Kailangan ang mapangahas, maingay at malawak na kampanyang edukasyon at propaganda, mga pagkilos sa lansangan at iba pang hakbangin para kontrahin ang mga kasinungalingan ng mga Marcos-Duterte at ang pagkamuhi at pagtatakwil sa kanila ng taumbayan. Patuloy na palaparin ang hanay ng mga demokratikong uri at pwersa para hadlangan ang daan ng mga Marcos-Duterte at maghanda sa malawakang pag-aalsa.
Gawin ang lahat upang paigtingin ang mga pakikibakang masa sa harap ng tumitinding krisis sa ekonomya at kabuhayan ng bayan. Salubungin ng matapang, mapangahas, malikhain at papalaking mga kilos protesta sa lansangan, mga komunidad, pabrika at kampus laban sa walang awat na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain at iba pang bilihin, mababang sahod, kawalan ng hanapbuhay, dagdag na buwis, pagtatambak ng dayuhang bigas, karne’t gulay at iba pang patakarang pahirap sa bayan. Ipamalas ang galit ng taumbayan sa magnanakaw, mamamatay-tao, traydor at teroristang paghahari ni Duterte.
Ang tangkang pagbabalik ng mga Marcos at pagpapalawig ng tiranikong paghahari ng mga Duterte ay tanda ng lalong pagkabulok ng naghaharing sistema, kung saan ang kapangyarihan sa pulitika at ekonomya ay lalong nakokonsentra sa kamay ng pinakapasista at pinakabuhong na pangkatin ng naghaharing uri, habang ang bayan ay sadlak sa paghihirap at pagdurusa. Habang nabubulok, nagluluwal ang sistemang ito ng mga katulad nila Marcos at Duterte na walang-patid ang uhaw sa kapangyarihan.
Samantalahin ang panahon ng eleksyon para agresibo at tahasang itaguyod ang pambansa-demokratikong pagsusuri at programa sa mga isyu. Tuwirang palaganapin ang panawagan para sa rebolusyonaryong pagwawakas sa malakolonyal at malapyudal na sistema.
Gamitin ang lahat ng pagkakataon para palakasin ang Partido, ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa at ang pagrerekrut sa hukbong bayan. Habang ubos-kayang nilalabanan ang iskema nila Marcos at Duterte, puspusang isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para ibagsak ang papet at burukrata kapitalistang estado, ang mapagsamantala at mapang-aping paghahari ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesyang kumprador, at itayo ang tunay na demokratikong gubyernong bayan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/02/21/gunitain-ang-pag-aalsang-edsa-at-magpunyagi-sa-rebolusyonaryong-landas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.