Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 22, 2021): “No jab, no pay” para sa tubo, labag sa karapatan ng mga manggagawa
Walang kahihiyang ipinagtanggol ni Sec. Silvestre Bello ng Department of Labor and Employment ang iligal, di tanggap-tanggap at kontra-manggagawang patakaran ng “no jab, no work” (walang bakuna, walang trabaho) at “no jab, no pay” (walang bakuna, walang sahod) kahapon. Ang mga ito ay iskemang isinusulong ng mga kapitalista hindi para sa kapakanan ng mga manggagawa kundi para sa higit pang pagpiga ng kita.
Matagal nang itinutulak ng mga negosyo, sa pangunguna ni Jose Concepcion III, Presidential Adviser on Enterprenuership, na gawing rekisito ang pagpapabakuna sa mga manggagawa. Karugtong nito ang kanyang “mungkahi” na magkaroon ng mga “bakuna bubble” o paghihiwalay ng mga bakunado at di bakunado sa mga pampublikong espasyo at lugar ng paggawa. Ang mga mungkahing ito ay ginawa para mabilis na buksan ang ekonomya at mabawi ng mga negosyo ang nawalang kita dulot ng matatagal na lockdown.
Ilang araw lamang nito, mismong si Bello ang nagsabing iligal ang “no jab, no work.” Pero nagbago ang kanyang pahayag at pinaniniwalaang may kinalaman iyon sa pag-anunsyo niya na “bukas” pa rin siyang tumakbo sa Senado kung tatakbo ang anak ni Rodrigo Duterte para sa pagkapangulo. Sa pagpabor ni Bello sa mga “mungkahi” ni Concepcion, malinaw na hinahabol niya ang pondo at suporta ng mga ito para sa kanyang kandidatura. (Naghain ng mga sertipikasyon ng pagkakandidato pagkasenador ang kanyang kapatid para magsilbing “placeholder” na pwede niyang palitan bago ang katapusan ng pagpapalit ng kandidato sa Nobyembre 15).
Palusot ni Bello sa pagbaliktad ng pusisyon ang isang resolution ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na nag-oobliga sa mga kumpanyang pinayagang magbukas sa ilalim ng “Alert Level 3” na bakunahan ang kanilang mga manggagawa. Ang totoo, hindi batas ang mga resolusyon ng IATF. Hindi rin nito binigyan ng kapangyarihan na ipagkait sa mga manggagawa ang kanilang sahod.
Kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang pinakabagong mga atake sa kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa.
“Ang “no vaccine, no pay” ay tahasang paglabag sa Article 100 ng Labor Code na nagbabawal ng pagtanggal o pagbawas ng mga benepisyo,” ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU at kandidato pagkasenador ng Makabayan noong Oktubre 19.
“Boluntaryo ang pagpapabakuna. Hindi ito dapat ipinipilit sa mamamayan laluna sa kalagayang karamihan ay walang akses sa impormasyon at sa mismong pagpapabakuna. Lalong hindi ito dapat maging batayan para ikaw ay makapagtrabaho at matanggap ang nararapat na kompensasyon sa iyong tinrabaho,” ayon sa National Federation of Labor Unions.
“Patuloy po ang panawagan natin para sa scientific and pro-people pandemic response. Kailangan tiyakin na ang suplay ng bakuna sa mga LGU at padaliin ang kabuuang proseso ng pagpapabakuna. Yung pagpila at pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa vaccination sites at katumbas ng pagliban sa trabaho at kawalan ng isang araw ng sahod,” ayon kay Labog.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/no-jab-no-pay-para-sa-tubo-labag-sa-karapatan-ng-mga-manggagawa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.