Wednesday, September 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Li­der-mag­sa­sa­ka sa Bu­kid­non, pinagbaba­ril

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 7, 2021): Li­der-mag­sa­sa­ka sa Bu­kid­non, pinagbaba­ril



Namatay sa walang pakundangang pamamaril ng mga elemento ng 89th IB noong Agosto 19 si Veneranda Guinanao, kasapi ng Amihan National Federation of Peasant Women sa Bukidnon. Nasugatan ang kanyang asawa na si Reynaldo Guinanao at anak na si Christian matapos inistraping ang kanilang bahay sa Purok 5, Musuan, Maramag, Bukidnon. Parehong kasapi ng grupo ng mga magsasaka sa Buffalo-Tamaraw-Limus (BTL) ang mag-asawa. Lider naman ng KASAMA-Bukidnon si Reynaldo. Ang BTL ay lokal na samahang magsasakang lumalaban sa pangangamkam ng lupa ng Central Mindanao University. Noong 2020, sapilitang “pinasuko” ng NTF-ELCAC ang mga myembro nito bilang mga “Pulang mandirigma.”

Sa Misamis Oriental, pinagbabaril hanggang mapaslang si Gerald Ral, kasapi ng Balingasag Farmers Association at Hiniusang Mag-uuma sa Blanco sa bayan ng Lagonglong noong Agosto 21. Magdedeliber sana siya at kanyang kapatid ng saging sa palengke nang paslangin. Dati nang ginigipit si Ral ng 58th IB at pinararatangang kasapi ng BHB.

Sa Gamay at Mapanas, Northern Samar, limang magsasaka ang pinaulanan ng bala ng Special Action Force noong Agosto 6 at 15. Inakala diumano ng mga pulis na mga Pulang mandirigma sila.

Sa Sorsogon, iligal na inaresto ang magsasakang si Ruel Habitan Escolano, 59, sa Barangay San Pascual, Casiguran noong Agosto 20 at pinaratangang myembro ng BHB. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong panggagahasa at tangkang pagpatay.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/09/07/lider-magsasaka-sa-bukidnon-pinagbabaril/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.