From the Philippine Information Agency (Jan 19, 2021): Tagalog News: 16 dating rebelde, sumuko sa Pulis Nueva Ecija (By Camille C. Nagano)
LUNGSOD NG CABANATUAN, Enero 19 (PIA) -- Umabot sa 16 na mga dating rebelde ang sumuko sa Nueva Ecija Police Provincial Office sa pagpasok ng taong 2021.Ayon kay Police Regional Director PBGen. Valeriano De Leon, may kabuuang 122 ang bilang ng mga sumuko noong nakaraang taon samantalang 61 noong 2019.
Ipinahayag ni De Leon na hangad nilang masigurong makatatanggap ng ayuda ang mga kwalipikadong benepisyaryo partikular na sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.
Kanya ding ipinaaabot ang pasasalamat sa lahat ng mga dating rebelde na mas pinili ang paghahangad ng magandang buhay sa panig ng pamahalaan.
Asahan na aniya ang lahat ng suportang kayang ibigay ng gobyerno mula sa iba’t ibang mga kagawaran gaya lamang ng mga kasundaluhan at kapulisan tungo sa mapayapa at maunlad na pamumuhay, malayo sa anumang kanilang kinagawian.
Pinangasiwaan mismo ni Police Regional Director PBGen. Valeriano De Leon ang pamamahagi ng ayuda para sa 11 dating mga rebeldeng sumuko sa himpilan ng pulisya sa Nueva Ecija. (Camille C. Nagaño/PIA 3)
Kahapon lamang ay nagbigay ang kapulisan ng tulong pinansiyal na nagkakahalagang 10,000 hanggang 15,000 piso at food packs sa 11 dating rebeldeng sumuko sa lalawigan.
Paglilinaw ni De Leon, bukod pa ang tulong na manggagaling sa ECLIP ng pamahalaang nasyonal na tutugon sa kanilang mga pangangailangan at ng kanilang pamilya sa pagsisimula ng bagong buhay.
Kaniyang dagdag na pahayag ay patuloy na bibigyang pansin ng buong hanay ang mga proyekto, ugnayan katuwang ang mga kagawaran ng pamahalaan upang malutas ang mga suliraning may kaugnayan sa terorismo at insurgency nang matamo ang tunay na kapayapaang hangad ng bansa.
Hindi din aniya mawawala ang mga kampanya ng tanggapan kontra ilegal na droga gayundin ang pagpapatupad ng mga batas pangkaayusan. (CLJD/CCN-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1064315
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.