Sarangani Province – Unang beses na idinaos ang Ronda Probinsya alang sa Kalinaw Program ni Congressman Rogelio Pacquiao katulong ang 73rd Infantry Battalion na dinaluhan ng 53 na former rebels (FRs) sa Pacman Beach, Maasim ng nasabing munisipyo nitong, August 7, 2020.
Layunin ng programa na hikayatin ang mga sumukong New People’s Army sa kanilang katapatan sa gobyerno at bigyan ng karagdagang pangkabuhayan para sa kanilang pagbabagong buhay. Nagkaroon din ng simpleng pagtatalakay ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DTI, DA, DENR, DSWD, TESDA, DILG at DOLE na kung saan kanilang inilahad ang mga programa na makakatulong sa kabuhayan ng mga nagbalik-loob.

Bilang karagdagan, binigyan ang mga FRs ng isang sakong bigas, grocery items, at cash assistance para may magamit sila sa pang-araw-araw na gawain.
Sa panayam ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB, “Sa pagkabuwag ng Weakened Guerilla Front TALA, FSMR, ang mga programang tulad nito ang magpapanatili sa katahimikan at kaunlaran lalo na sa malalayong komunidad. Dahil dito, wala nang recruitment na mangyayari sa probinsya ng Sarangani.”
Nagkaroon din ng simpleng seremonya ng pagbibigay ng gamit pangsaka para sa Kalon Kastabang Farmers Association na magagamit nila sa kanilang kabuhayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.