Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 21, 2020): Ispesyal na pagtrato kay Palparan sa bilangguan
NAGHAIN NG MOSYON ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa Regional Trial Court of Malolos City, Branch 15 noong Pebrero 18 para ipatigil ang ispesyal na pagtrato kay Palparan at pawiin ang anumang mga ispesyal na pribilehiyong ibinibigay sa kanya. Ayon sa NUPL, matagal nang nakapiit si Paparan sa Directorate for Reception and Diagnostics (DRD) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, isang pasilidad na hindi maaaring pagpiitan ng mga bilanggo ng higit sa 60 araw. Ayon sa NUPL, si Palparan ang nagsisilbing mayor sa mahigit 1,500 bilanggo sa DRD. Isiniwalat din nito na pinapayagan si Palparan na gumamit ng kompyuter, internet at binibigyan ng iba pang pribilehiyo na bawal sa ibang bilanggo.
Iginiit ng NUPL na dapat pagbayaran ni Palparan ang kanyang mga krimen. Hinatulan ng reaksyunaryong korte si Palparan ng habambuhay na pagkakabilanggo kaugnay ng pagdukot, pagdetine at pagtortyur sa estudyanteng aktibista na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/02/21/ispesyal-na-pagtrato-kay-palparan-sa-bilangguan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.