Posted to the 5th Civil Relations Group-Civil Relations Service-Armed Forces of the Philippines (5th CRG-CRS-AFP) Facebook Page (Dec 31, 2019): 46IB RCSP Team naka-recover ng Improvised Anti-Personnel Mine sa panahon ng Ceasefire
H E A D Q U A R T E R S
8TH INFANTRY (STORMTROOPERS) DIVISION, PHILIPPINE ARMY
DIVISION PUBLIC AFFAIRS OFFICE
Camp General Vicente Lukban, Catbalogan City, Samar
P R E S S R E L E A S E
46IB RCSP Team naka-recover ng Improvised Anti-Personnel Mine sa panahon ng Ceasefire
CAMP GENERAL VICENTE LUKBAN, CATBALOGAN CITY – Isang improvised Anti-Personnel Mine ang narecover ng Retooled Community Support Progam (RCSP) Team ng 46th Infantry (Peacemaker) Battlion, 8th Infantry Division sa Brgy. Beri Calbiga, Samar nitong umaga ng Desyembre 28, 2019.
Isang sumbong mula sa sibilyan ang nakaabot sa RCSP team na naka-deploy sa Brgy. Beri na merong nakitang ilang armadong kalalakihan tatlong daang metro mula sa barangay.
Bilang tugon agad itong isinangguni ng RCSP team sa opisyales ng barangay at pinuntahan ang nasabing lugar at doon narecover ang isang improvised Anti-Personnel Mine na isiniksik sa damohan sa tabing daan.
Ang pinag-ambangan ng nasabing improvised Anti-Personnel Mine ay sa natatanging daang-tao papasok at palabas ng barangay. Hindi na nila isinaalang-alang ang mga sibilyang madadamay tulad ng ginawang pag-ambush sa Borongan noong December 13, 2019 na ikinamatay ng tatlong sibilyan at ikinasugat na labinlimang katao kabilang na ang isang taong gulang na sanggol.
Dito rin sa nasabing barangay inambush ang tropa ng 46IB gamit ng Teroristang NPA ang parehong improvised Anti-Personnel Mine na ikinasawi ng anim na sundalo at ikinasugat din ng anim noong nakaraang Abril 26, 2019 nang madaling araw.
Ito ay malinaw na patunay na hindi seryoso ang CPP-NPA-Terrorist sa usapang pangkapayapaan. Walang balak na sundin ang pinagkasunduang Ceasefire na ang tanging hangad lang nila ay makapinsala ng mga sundalo nakatalaga sa barangay na natakdang magbakasyon para sa New Year’s Break.
Ayon kay Major General Pio Q Diñoso III AFP, Commander, Joint Task Force Storm “Magkaisa po tayo. Ang laban na to ay hindi lamang laban ng kasundaluhan at kapulisan kundi laban na rin ng mga mamamayan kontra sa mga Teroristang CPP-NPA.”
“Hinihikayat ko ang ating mga kababayang maging mapagmatyag at ipagbigay alam agad sa kasundaluhan at kapulisan o sa mga opisyal ng barangay kung merong mapansin kahina-hinalang mga tao o pangyayari. Nang sa gayon, maiwasan o mapigilan natin ang nakaambang sakuna. Nawa’y salubungin natin ang bagong taon ng mapayapa at puno ng pag-asa.” dagdag pa niya.
(pics credit to 8ID DPAO)
https://www.facebook.com/1340934016056574/photos/pcb.1500179786798662/1500179433465364/?type=3&theater
https://www.facebook.com/1340934016056574/photos/pcb.1500179786798662/1500179603465347/?type=3&theater
https://www.facebook.com/1340934016056574/photos/pcb.1500179786798662/1500179753465332/?type=3&theater
https://www.facebook.com/fifthcrg.davao?fref=ts
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.