Tuesday, October 29, 2019

WESCOM: NPA muling nagpakita ng Kawalang-hiyaan sa Sofronio Espanola, Palawan

Posted to the Western Command (WESCOM) Facebook Page (Oct 29, 2019): NPA muling nagpakita ng Kawalang-hiyaan sa Sofronio Espanola, Palawan

Image may contain: text

Muli na namang nagpakita ng kawalang-hiyaan ang teroristang grupo ng New People's Army (NPA) matapos nitong sunugin ang mga heavy equipment ng isang kompanya, kahapon, Oktubre 25, 2019 bandang ala-una ng hapon sa Brgy Punang, Sofronio Española, Palawan.

Ang mga nasabing heavy equipment (isang grader at isang dump truck) ay nasa ilalim ng pamamahala ng Canipaan Environmental Resources, Inc (CERI) Construction Company na sub-con ng Citi Nickel.

Bagamat may insurance ang mga kagamitang sinunog ng NPA, ilang mahihirap nating kababayan ang nawalan ng panandaliang kabuhayan sa saglit na pagtigil ng operasyon ng minahan.

Kinondena ng mga manggagawa ng minahan ang kawalanghiyaan ng NPA na siyang lalong nagpapahirap sa mga kumakayod nating kababayan.

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng ating mga kapulisan at kasundaluhan sa mga teroristang NPA matapos nitong kumaripas ng tumakbo papalayo sa lugar na pinangyarihan ng panununog.

Pinaniniwalaang, ang panununog ng teroristang NPA ay kanilang paghihiganti mula sa pagkapilay nang mahuli ang kanilang mga lider na nagpapanggap ng "Human Rights Workers," noong ika-4 ng Oktubre.

#AFPyoucanTRUST
#TeamWESCOM
#Team6CRGPalawan
See Translation

supporting As Safe As Palawan - ASAP at Western Command General Headquarters, AFP.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.