Sunday, October 13, 2019

Tagalog News: Mga Punong Barangay ng DRT, nakiisa sa Peace Advocacy Forum

From the Philippine Information Agency (Oct 13, 2018): Tagalog News: Mga Punong Barangay ng DRT, nakiisa sa Peace Advocacy Forum


Pinangunahan ni Army 48th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col Felix Emeterio Valdez ang pagsasagawa ng isang Peace Advocacy Forum na dinaluhan ng mga punong barangay ng bayan ng Donya Remedios Trinidad sa Bulacan. (Army 48th IB)

LUNGSOD NG MALOLOS -- Nakiisa ang mga punong barangay mula sa bayan ng Donya Remedios Trinidad sa isang Peace Advocacy Forum na inorganisa ng Army 48th Infantry Battalion o 48th IB.

Ayon kay 48th IB Commanding Officer Lt. Col Felix Emeterio Valdez, nais nilang makamtan ang tunay na kapayapaan hanggang sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa naturang forum ang Executive Order No. 70 o ang whole-of-government approach para matuldukan ang insurhensya at ang Army Transformation Roadmap 2028.

Hinikayat din ang mga punong barangay na bumuo ng Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan at magpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army bilang persona non grata. (CLJD/VFC-PIA 3)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.