Wednesday, October 16, 2019

AFP-CRS: Mga Heavy Equipments Sinalaban ng NPA sa Surigao del Norte

Posted to the Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service (AFP-CRS) Facebook Page (Oct 16, 2019): Mga Heavy Equipments Sinalaban ng NPA sa Surigao del Norte

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang kabuuang danyos ng sinunog na tatlong heavy equipments ng alas-12:00 ng tanghali sa may Brgy. Campo, bayan ng Bacuag, lalawigan ng Surigao del Norte noong Oktubre 14. Kasama sa sinilaban ang isang backhoe na partially damaged ang dalawang dumptrucks na pagmamay-ari ng CTB Construction.

Nakatatak na sa isipan ng sangkatauhan ang mga katagang ito dulot ng hindi makatao at karumal-dumal na mga gawain ng teroristang grupo. Kaya sa mga miyempo ng CPP-NPA-NDF: Talikuran na ang walang kabuluhang pakikibaka, talikuran na ang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Magbagong buhay para sa maliwanag na kinabukasan. Para naman sa ating mga kababayan, Huwag kayo magpalinlang. Itakwil at labanan ang teroristang grupong CPP-NPA-NDF. Huwag kayong sumuporta sa kanila upang maparalisa ang kanilang pwersa.

Makipag-ugnayan sa mga kasundaluhan at lokal na gobyerno upang matigil na ang masamang galawan ng CPP-NPA-NDF sa inyong komunidad.

#AFPyoucanTRUST | www.afpcrs.com

Image may contain: text


[The Civil Relations Service (CRS) is the unit of the Armed Forces of the Philippines (AFP) that engages the public through its public information and community relations programs “to create a favorable atmosphere between the community and the AFP. The CRS is the equivalent of the Psychological Operations and Civil Affairs units of the US Army.]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.