BULALACAO, Oriental Mindoro- Malaki ang pasasalamat ng humigit limang daan (500) na kabataan mula sa dalawang paaralan sa bayan ng San Jose, Occidental at Bulalacao, Oriental, Mindoro sa isinagawang Outreach at gift giving activity ng ating kasundaluhan at kapulisan kasama ang lokal na pamahalaan ng dalawang nasabing bayan nito lang nakalipas na Sabado at Linggo ika 27-28 ng Hulyo 2019.
Ang mga nasabing kagamitan sa eskwela at hygiene kit ay taos pusong ipinagkaloob ng Juniors Chamber International (JCI) San Juan Dambana at ng Uniliver Philippines sa pamamagitan ng kasundaluhan ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pangunguna ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO katuwang ang Tactical Operation Group (TOG) 4 at mga kapulisan.
Umabot naman sa humigit limang daan (500) na Libro ang ipinagkaloob sa dalawang paaralan sa nasabing mga bayan sa lalawigan ng Mindoro kasama pa nito ang ibat-ibang klase ng school supplies, tsinelas at hygiene kit na kung saan lubos naman pinasalamatan ng pamunuan ng dalawang nasabing paaralan.
Pinapaabot ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO pinuno ng 4IB sa pamunuan ng JCI San Juan Dambana at Unilever Philippines ang pasasalamat sa pagtugon ng mga ito sa kahilingan ng mamamyan. Ani pa niya na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang tungkulin na mag serbisyo sa mamamayan para makamit kaunlaran at kapayapaan. Dagdag pa nito ang kabataan ay dapat natin bigyan ng halaga upang hindi sila maligaw ng landas at makaiwas sa mga panghikayat ng mga teroristang grupo na sumapi sa kilusan.
4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280
Contact us: contact@kalinawnews.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.