JAIME "KA DIEGO" PADILLA
SPOKERSPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
July 17, 2019
Desperado si Duterte na kamtin ang kanyang suntok-sa-buwang pangarap na malipol ang buong rebolusyonaryong kilusan bago matapos ang kanyang termino. Kung nabigo ang diktadurang rehimeng US-Marcos na kitlin sa usbong ang rebolusyonaryong kilusan na nuo’y nasa kamusmusan pa gayundin ang mga sumunod na papet na rehimen mula kay Corazon Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo at BS Aquino na gapiin ang CPP-NPA-NDFP, nangangarap nang gising si Duterte na makakamit niya ito sa loob ng kanyang paghahari. Hindi aabot ng 50 taon ang rebolusyonaryong kilusan kung hindi ito tinatangkilik ng malawak na mamamayang Pilipino at kung hindi nito sinasalamin ang kanilang pambansa at demokratikong interes at adhikaing lumaya sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismong US, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo.
Nagsisilbi na lamang na propaganda ang mga proklamasyon ni Duterte para palakasin ang loob ng kanyang task force na tapusin ang pakikibaka ng rebolusyonaryong hanay sa ilalim ng kanyang termino. Ang totoo, nahahati na rin ang hanay ng AFP-PNP dahil sa matinding kabulukan, krisis at paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte. Hindi na masikmura ng mga naliliwanagang upisyal at kawal ng AFP-PNP ang kasinungalingan ng rehimen at ang kanilang pasista at teroristang atake sa mamamayan. Naririnig nila ang hinagpis at pananaghoy ng mamamayan sa kanayunan sa mga inilulunsad nilang atakeng militar. Batid nilang mga sibilyan ang kanilang pinipinsala at sapilitang pinapaloob sa programang pagpapasuko (fake surrenderees) at gatasang baka na E-CLIP. Habang nagpapakasasa ang mga bulok at kurap na opisyal sa pabuya ng E-CLIP, nakikita ng mga nakababang ranggong militar ang sistema ng pangingikil na ito.
Samantala, walang makabuluhang hakbangin at solusyon si Duterte para lutasin ang ugat ng makauring tunggalian sa bansa. Hinding-hindi malulutas ng pasismo ng estado kahit mga simpleng problema sa pabahay at kontraktwal na hanapbuhay ang tunay na problema ng sambayanang Pilipino — ang kawalan ng lupa sa mga magsasaka, mababang sahod at kontraktwal na mga manggagawa, mababang kalidad, kolonyal at komersyal na sistema ng edukasyon, kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang problemang nagsasadlak sa krisis ng bansa at kahirapan ng mamamayang Pilipino.
Sa Timog Katagalugan, patunay na hindi solusyon ang pinaigting na kampanyang supresyon ni Duterte sa pakikibaka ng bayan sa ilalim ng Regional Task Force nito. Nagngangalit ang mamamayan sa pagdami ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at sapilitang pagpapaloob sa programang pagpapasuko sa mga mamamayan. Para makatamo ng mataas na kita, pinapangakuan ng AFP ng “balato” sa makukuhang pabuya ang mga susuko subalit katumbas lamang ito ng ilang kilong bigas at ilang latang sardinas — mumong-mumo kumpara sa limpak-limpak na salaping pinaghahatian ng matataas na opisyal ng AFP. Dahil sa kalupitan ng mga operasyong militar ng AFP, pinipwersa nito ang libo-libong mamamayan sa TK na magbakwet at iwanan ang kanilang kabuhayan para umiwas sa atakeng militar.
Higit na umiigting ngayon ang armadong pakikibaka sa kanayunan para ipagtanggol ang mamamayan sa pasistang atake ng AFP-PNP. Pinaaalab ng mga paglabag na ito ang diwa ng mamamayan na sumapi sa NPA at labanan ang AFP-PNP. Sa pagmamadali ni Duterte na lipulin ang rebolusyonaryong kilusan sa loob ng kanyang termino, pinabibilis niya ang sariling pagbagsak bago ang 2022.
Published by Philippine Revolution Web Central
The official blogsite of the Communist Party of the Philippines Information Bureau.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.